Inspirasyon ang hatid ng dating aktres at celebrity mom na si Andi Eigenmann hindi lamang sa mga kababaihan, kundi maging sa katulad niyang mommies na rin ngayon na ang hangad ay mapanatili ang pagiging fit at s3xy na pangangatawan.
Credit: @andieigengirl on Instagram
Sa nalalapit na pagdating ng summer season ay tila handang-handa na nga si Andi ngayon, matapos ibahagi nito ang kaniyang mga bagong larawan, na kung saan ay makikita ang fit at slim na pangangatawan ng aktres.
Matatandaang simula nang magbuntis at isilang ni Andi ang kaniyang bunsong anak na si Koa, ay malaki nga ang naging pagbabago sa hubog ng katawan ng aktres.
Credit: @andieigengirl on Instagram
At makalipas nga ang halos isang taon nang ibahagi ni Andi sa kanilang YT channel na ‘Happy Islanders’ ang kaniyang naging weight loss journey, ay tila na-achieve na nga ng aktres ngayon ang kaniyang fitness goal.
“Enjoying the journey towards wellness, keeping in mind that a healthy self is all about balance.” Ito nga ang naging pahayag ni Andi sa kaniyang Instagram post, na kung saan ay ibinahagi niya ang kaniyang ginawang paghahanda at pag-aalaga sa kaniyang sarili.
View this post on Instagram
Aniya, “I’m happy to make it a duty to care for my body because as I grow older, I’ve found that when I take good care of my physical health (inside and out), it spills over into other aspects of my being that are, in hindsight, more of a priority to me.”
Sa kaparehong post, ay dito naman inilahad ni Andi ang kaniyang mapapayo sa mga taong gusto mapanatili ang pagkakaroon ng maganda at malusog na pangangatawan.
View this post on Instagram
Ayon sa aktres, “A good TIP to begin: keep a good mindset and lay- out your priorities to allow yourself to stay in this for the long run. Jumping into things can often lead to exhaustion early on. Hope you will be inspired to join me in this too!”
At dahil nga sa nakaka-inspire na weight loss journey ni Andi, ay marami nga sa mga netizens ang namangha sa kaniyang pagkakaroon ng slim at s3xy body figure kahit na siya ay mom of 3 na ngayon.
Credit: @andieigengirl on Instagram
Ilan nga sa kanilang mga naging komento, “Grabe ang sexy na ulit ni idol ❤️”.
“lookin great andigirl🥰”.
“Ang s3xy mo na😍😍😍🔥🔥”.
Credit: @andieigengirl on Instagram
“Seksi mo na uli andie. Galing mo nman👏👏👏”.
“Aba ang payat mo na galing naman! @andieigengirl 👏👏👏❤️”.
Credit: @andieigengirl on Instagram
Samantala, maliban sa pagiging abala sa kaniyang fitness journey at motherhood, ay isa rin nga sa mga pinagkakaabalahan ngayon ng aktres ay ang bagong business na itinayo nila ng kaniyang partner na si Philmar Alipayo, ang Kanaway Snack Bar sa Siargao.