Jasmine Curtis, nagbahagi ng throwback photos kasama ang kaniyang ate na si Anne Curtis kasabay ng pagbati nya sa nagdaang kaarawan nito

Sa loob ng mahabang panahong pananatili ng Showtime host at celebrity mom na si Anne Curtis sa industriya ng showbiz bilang isa sa mga mahuhusay na aktres, ay may isang tao siyang naging karamay at sandalan sa kaniyang unti-unting pag-abot ng mga pangarap sa buhay.


Credit: @annecurtissmith on Instagram

Ito nga ay walang iba kundi ang kaniyang itinuturing na “babycurt” na si Jasmine Curtis, na isa sa kaniyang mga kapatid.

Maliban nga kay Thomas James na isa ring kapatid ni Anne, isa si Jasmine sa talaga namang napalapit sa puso ng aktres at hindi maikakaila ang kanilang pagiging malapit sa isa’t isa.


Credit: @jascurtissmith on Instagram

Kaya naman sa pagsapit ng ika-38th birthday ni Anne ngayong February 17, ay isang madamdamin at puno na pagmamahal na mensahe ang ipinaabot ni Jasmine sa kaniyang Ate Anne.

Sa kaniyang Instagram post, kalakip ang mga lumang larawan nilang dalawa na magkasama, ay dito inalahad ni Jasmine ang kaniyang labis na pagmamahal para sa kapatid.


Credit: @jascurtissmith on Instagram

Aniya, “Above all, you are what I am most grateful for in life. Happiest birthday sestra @annecurtissmith, I love you and will forever be your babycurt. The way you have me in your arms and hands.. Literally and figuratively, I could never compare and ask for anything more.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jasmine (@jascurtissmith)


Matapos ang maramdaming mensahe ni Jasmine para kay Anne, ay isa rin namang taos pusong mensahe ang sinagot ng aktres para sa kaniyang babycurt.

Ayon kay Anne, “Love you soooo much. To quote one of my favorite books I like to read Dahlia “i love you forever.. I love you for always… as long as I’m living, my baby you’ll be” you’ll always be my bb curt!“




Credit: @jascurtissmith on Instagram

Samantala, marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang papuri at paghanga sa taglay na kagandahan ng magkapatid sa nasabing larawan.

Marami rin sa kanila ang nagsabi na kahawig raw ni Jasmine ang 2-year-old daughter ni Anne na si Dahlia Amelie.


Credit: @jascurtissmith on Instagram

“Happy bday Anne. Hawig nya po si Dahlia sa 2nd pic 😊”

“It seems you have semblance to dahlia, cute cheeks ❤️”


Credit: @jascurtissmith on Instagram

“I see dahlia in Anne in the second photo. 😍”

“Tata jasmin looks like dahlia😍”