Iza Calzado, inilahad ang labis na pasasalamat sa mga natanggap na suporta at pagmamahal sa kaniyang pregnancy journey

Isang panibagong yugto sa kaniyang buhay ang bagong kakaharapin ngayon ng aktres na si Iza Calzado.

At ang panibagong yugto nga na kaniyang kakaharapin ay ang pagiging isang ina sa kanilang panganay na anak ng kaniyang asawa na si Ben Wintle.

Matatandaang ginulat ni Iza ang publiko sa napakagandang balita na kaniyang ibinahagi patungkol sa kaniyang pagbubuntis sa edad na 40.

At kahit hindi pa man tuluyang naisisilang ang kanilang anak ay nag-uumapaw na ang labis na kasiyahan at pagpapasalamat ni Iza, para sa natatanggap na pagmamahal at suporta sa kaniyang pregnancy journey ngayon bilang soon-to-be mommy.

Ito nga ang bagay na ibinahagi ng aktres sa kaniyang Instagram post noong November 24.

Kalakip ang isang napakagandang litrato nila ng kaniyang asawa habang masayang nagbabakasyon sa isang resort, ay isang taos-pusong mensahe na puno pasasalamat ni Iza ang kaniyang ibinahagi sa publiko.

Bilang soon-to-be mommy na rin, ay masayang inilahad ni Iza ang kaniyang labis na kasiyahan sa pagdating ng munting anghel sa kaniyang sinapupunan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iza Calzado Wintle (@missizacalzado)


Aniya, “So much in life to be grateful for but I would say that I am most thankful for the gift of life growing inside me. I have never felt this kind of love and joy before. Paano pa pag andito ka na?”

At sa kaniyang pregnancy journey ay labis na pinasalamatan ni Iza ang kaniyang pamilya at mga kaibigan na talagang umalalay at nagpakita ng pagmamahal at suporta sa kanilang mag-asawa.

Paglalahad niya, “The love and support of friends, family and even strangers during this very special time in our lives is so humbling. Nakakaiyak minsan. Salamat talaga.”

“I am grateful for my cherished ones who have never left my side. Truly, angels exist in heaven and on earth. Ang dami niyo sa buhay ko.” dagdag pa niya.

Maging ang kaniyang asawa na si Ben na tinawag niya bilang “Poopy” ay labis na pinasalamatan rin ng aktres at inilahad ang kaniyang pagmamahal para sa asawa.



Saad ni Iza, “Lastly, I am deeply grateful for you, Poopy, and our growth the past couple of years. God really knew I needed a partner like you in life. I love you.”

“Salamat, Panginoon, sa lahat ng biyaya. I am grateful to see the grace in every fiber of life’s experience. What a beautiful, colorful weave it is. May we all enjoy and celebrate the love that exists inside and all around us. A grateful heart is a happy heart! Happy Thanksgiving!”