Silipin ang mga throwback photos ni Miss World 2013 Megan Young, na naghatid ng samu’t-saring reaksyon mula sa mga netizen

Bahagi na ng buhay ng bawat isa ang sandaling pagdaan sa tinatawag natin na “jeje days” o mas kilala ng lahat sa tawag na ”nene days”.

Credit: @meganbata on Instagram

Ang bawat sandali nga na ito ng ating buhay ay nagbibigay ng samu’t saring emosyon at reaksyon, na kung saan ay may ilan sa atin na nais nang ibaon sa limot ang mga panahon na ito, at ang iba naman ay proud sa kanilang mga naging hitsura noong kanilang kabataan.

Credit: @meganbata on Instagram

At Isa na nga sa mga proud na ibinahagi at muling binalikan ang kaniyang lumang litrato noong kaniyang kabataan ay ang aktres at dating beauty queen na si Megan Young. Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na si Megan ang kauna-unahang Filipina na nakakuha ng korona sa Miss World noong taong 2013, na ginanap sa Bali, Indonesia.

 

Tunay ngang sa kaniyang nakabibighaning kagandahan at taglay na katalinuhan ay hindi nakapagtatakang naiuwi ng aktres ang korona, na naging daan naman para sa kaniya upang mas lalo pang makilala at magbukas ng maraming oportunidad.

Credit: @meganbata on Instagram

Ngunit sa kabila nga ng kaniyang natatanging ganda ay hindi rin nakaligtas si Megan sa pagdaan sa puberty stage, na ayon pa sa kaniya ay “Ate Bulate” ang itinawag na palayaw sa kaniya ng kaniyang ina.

Credit: @meganbata on Instagram

Sa mga litratong ibinahagi ng beauty queen sa Instagram nito lamang October 1, ay makikita ang kaniyang mga throwback photos noong siya ay 10-12-years-old pa lamang. Ilan pa nga sa mga litrato na kaniyang ipinasilip ay ang naging pagsali niya sa beauty pageant na siyang bahagi ng kanilang school program noon.

Credit: @meganbata on Instagram

Mayroon din namang mga litrato si Megan na kung saan ay makikita ang labis na pagkapayat nito, na siyang naging dahilan nga ng pagtawag ng kaniyang ina sa kaniya bilang “Ate Bulate”

Aniya, “Hello from Baby Boneezy ang nickname pa sa akin ng nanay ko ay Ate Bulate kasi para daw ako may bulate sa tiyan sa sobrang payat ko hahahahuhuhuhu. I was around 10-12 years old in these photos”

Credit: @meganbata on Instagram

Noon pa man ay mapapansing taglay na ni Megan ang natural na kagandahan, kaya naman marami sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang papuri at paghanga mula sa mga litrato niyang ito. Ayon pa nga sa ilang komento ay kamukha raw ni Megan ang isa sa mga miyembro ng sikat na K-pop girl group na Blackpink na si Lisa.

“Honestly, in some photos you look like Lisa (some young photos of you) Queen @meganbata ❤️❤️”

Credit: @meganbata on Instagram

“hala kamukha mo po si Lisa ng blackpink!!”

“Kamukha ni Black Pink Lisa. 😍”

Credit: @meganbata on Instagram

“Waahh Cutie! My mom also used to call me Ate Bulate kasi ang lakas kumain pero payat. Haha Parang may anaconda raw sa tiyan. 😂”

Tunay nga na mula noon hanggang ngayon ay taglay na ni Megan ang natural na kagandahan na hinahangaan ng lahat at nakapagpabihag sa puso ng kaniyang asawang aktor na si Mikael Daez.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Megan Young (@meganbata)