Dingdong Dantes at Marian Rivera, masayang ipinasilip sa publiko ang bagong bahay na dalawang dekadang pinagsikapan na maitayo

Isa sa mahahalagang diwa ng kapaskuhan ay ang pagmamahalan. Kaya naman hindi nawawala ang pagsasama-sama ng pamilyang Pilipino sa tuwing sasapit ang pasko, upang sabay-sabay na ipagdiwang ang espesyal na araw na ito.

Credit: dongdantes on Instagram

At dahil ramdam na ramdam na nga ang diwa ng kapaskuhan sa ating kapaligiran ay tila mas magiging masaya ang selebrasyon ng Pasko at pagsalubong ng Bagong Taon para sa pamilya ng celebrity couple na sina Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Credit: dongdantes on Instagram

Dahil bago pa man sumapit ang kapaskuhan, ay natapos na nga ang pagpapagawa sa kanilang dream house. Ito ay ang bagay na masayang ibinahagi ni Dingdong sa kaniyang Facebook page at Instagram account nito lamang November 20, araw ng Linggo, kalakip ang kaniyang litrato habang nasa swimming pool.

Credit: dongdantes on Instagram

Ayon sa aktor ay halos dalawang dekada rin ang kanilang hinintay at talagang pinagsikapan na ito ay kanilang maipatayo.

Credit: dongdantes on Instagram

Aniya, “Ang tahanan ng aking pamilya. Naitayo ng ilang ilang taon, pero dalawang dekadang pinagsikapan. Pagkakaingatan, ipalalaganap ang pagmamahalan, at ipapamana ang mabubuting ala-ala. Huwag ipaubaya ang pangarap sa iba. Subukan ang subok na.”

Tiyaga at sakripisyo ang inilaan nina Dingdong at Marian upang maipagawa ang tahanan na pupuno sa kanilang masasayang ala-ala bilang isang pamilya.

Credit: dongdantes on Instagram

Paglalahad ni Dingdong, “The things we cherish most often do not come easy. A house is no different. We work hard to build it—founded on all the learnings and sacrifices for us to achieve it.”

“Soon to be “painted” with the memories we will be creating, and love that we will be sharing within— possibly for generations to come. What is worth keeping deserves only the things we trust. Subukan ang subok na.” dagdag pa niya.

Credit: dongdantes on Instagram

Kasunod ng post niyang ito ay ang isang masayang family picture na kung saan ay makikita ang labis na kasiyahan kina Marian, Dingdong, at sa kanilang dalawang anak na sina Zia at Ziggy isama pa ang kanilang alagang aso.

Ayon sa iniwang caption ng aktor sa naturang post,

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

“Dreams do come true, even at forty two. Never give up.”

Dahil dito ay namayani ang labis na kasiyahan sa mga netizens at maging sa mga kilalang personalidad sa showbiz na nagpahatid ng kanilang congratulatory message para sa kanilang pamilya.

“Congratulations @dongdantes and @marianrivera ❤️😘 beautiful home ❤️”

“Congratulations!! Super nice!!! ❤️ May your home always be filled with family and friends with a whole lotta love and memories made ❤️”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

“God bless your home and the family Dong!🙏”

“Congrats for your Amazing Dream House..blessing your fam ❤️”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)