Pauleen Luna at Vic Sotto, binigyan ng isang napakagandang unicorn-themed party ang kanilang anak na si Tali bilang pagdiriwang ng kaarawan nito

Bahagi na ng ating buhay ang pagdiriwang ng espesyal na kaarawan na kung saan ito ay nangyayari isang beses sa isang taon kung maipagdiwang.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Kaya naman marami sa atin ang talaga namang pinaghahandaan ang araw na ito, lalo na kung ang hatid nito ay kasiyahan para sa taong nagdiriwang ng kaniyang kaarawan.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Ganito nga ang hatid na kasiyahan para sa unica hija ng celebrity couple na sina Vic Sotto at Pauleen Luna na si Talitha Maria Luna Sotto na masayang nagdiwang ng kaniyang ika-5th birthday.

Bilang isa sa mga celebrity kids ngayon sa industriya ng showbiz ay marami nga ang nakasubaybay sa napakacute na si Tali. Kaya naman sa kaniyang kaarawan nito lamang November 6, ay marami nga sa mga netizens ang nabihag ang kanilang puso matapos masilayan ang labis na ngiti at saya sa mukha ni Tali.


Sa litratong kuha ng Nice Print Photography, isang unicorn-themed birthday party ang inihanda nina Pauleen at Vic para sa birthday ng kanilang anak.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

At sa tulong ng event designer na si Kaye Termulo-Garcia, ay nag mistulang fairytale ang disenyo ng kanilang backyard dahil sa makukulay na pastel colors na makikita mula rito.

Sa isang napakasayang handaan ay hindi naman mawawala riyan ang chocolate unicorn birthday cake ni Tali, na sinamahan pa ng mga palaro na labis na nagustuhan at na-enjoy ng mga bisita ni Tali, at ito ang inflatable ball pit at “pabitin.”




Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Ilan sa kanilang mga kapamilya na dumalo sa espesyal na araw na ito ay sina Oyo Sotto, Kristine Hermosa, Marc Pingris, at Danica Sotto.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Ayon pa sa iniwang caption ni Pauleen sa kaniyang Instagram, “She was so happy and really enjoyed every minute of her party! It’s so nice pala to give kids this age a party cos they show appreciation na. She kept on telling stories about what happened yesterday thank you to everyone for making time to make my daughter happy.”