Nikki Gil, masayang ibinahagi sa publiko ang first time beach adventure ng kaniyang anak na si Baby Maddie sa Palawan

Ngayong panahon na ng tag-ulan sa bansa, napakarami sa atin ang nagnanais na manatili sa loob ng tahanan upang mag-enjoy sa lamig ng simoy ng hangin.


Credit: @nikkigil on Instagram

Ngunit rainy season man ay marami pa rin ang nagnanais na masulit ang pagsikat ng haring araw upang makapunta sa mga sikat na tourist destination sa bansa.

Maging ang mga kilalang personalidad sa showbiz ay hindi na pinalagpas pa ang pagkakataong ito upang makapagbakasyon kasama ang kanilang pamilya.


Credit: @nikkigil on Instagram

Isa na nga sa mga ito ay ang dating aktres, singer, at Interior design student na si Nikki Gil, na masayang nagbakasyon sa Coron, Palawan, kasama ang kaniyang asawa na si BJ Albert at kanilang dalawang anak na sina Finn at Baby Maddie.

Sa kaniyang Instagram post nito lamang Miyerkules, November 9, ay masayang ipinasilip ng aktres ang litrato nila ng kaniyang 1-year-old daughter na si Baby Maddie.


Credit: @nikkigil on Instagram

Makikita ang napakagandang larawan ng mag-ina habang suot-suot ang kanilang mga s3xy swimsuit, habang nakaalalay naman si Nikki sa kaniyang anak.

Ayon sa iniwang caption ng celebrity mom, ay tila ito nga ang first time ni Baby Maddie na makatapak sa beach at ma-experience ang kanilang napakasayang family vacation.


Credit: @nikkigil on Instagram

Maliban sa kanilang litrato ay ibinahagi rin ng aktres sa kaniyang IG story ang pamamangka ng kaniyang asawa na si BJ kasama ang kanilang panganay na anak na si Finn.

Mayroon rin namang video si Finn na seryosong pinapanood ang isang dance performance sa kanilang tinutuluyang resort sa Palawan.

Hindi rin naman nagpahuli sina Nikki at kaniyang mini-me na si Baby Maddie sa kanilang matchy swimsuit outfits.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nikki Gil-Albert (@nikkigil)


Tunay ngang isang napakasayang bakasyon sa Palawan ang kanilang na-experience, lalo pa’t maliban sa napakagandang lugar na hatid ng Coron, Palawan, ay mapapansin naman ang maganda ring panahon ng sila ay magbakasyon buong pamilya.




Credit: @nikkigil on Instagram

Samantala, marami naman sa mga netizens ang nakapansin sa taglay at walang kupas na kagandahan at looking fresh ni Nikki.

“Beautiful as always Nikki❤️❤️❤️”


Credit: @nikkigil on Instagram

“Super gwapa nikkigil ❤️”

“Ganda ng mommy, fresh😍”