Sheena Halili, ibinahagi ang paboritong costume ng anak nyang si Martina na kanyang sinuot noong Halloween

Nakasanayan na ng maraming mga Pilipino ang pagdiriwang ng iba’t-ibang okasyon sa bansa kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

At ang buwan nga ng Oktubre ay punong-puno ng mistery0 at kababalaghan kung saan ay tampok sa mga palabas sa telebisyon at mapa social media ang mga kwento ng katatakutan.

Kaya naman nito lamang nagdaaang Halloween season ay talaga namang marami sa mga kilalang personalidad sa showbiz, ang nagpatalbugan at nagpa-andar sa pagsusuot ng kani-kanilang Halloween costumes.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

At maging ang mga celebrity kids nga ay hindi rin nagpahuli at tila naging tradisyon na rin para sa kanila ang pagsusuot ng mga naggagandahan at napaka cute na costumes para sa kanilang dadaluhang Halloween party.

Isa nga sa talaga namang hindi nagpahuli na ipamalas ang kaniyang natatanging kakyutan sa kaniyang second Halloween celebration ay ang napakacute na anak ng Kapuso actress na si Sheena Halili at kaniyang asawa na si Jeron Manzanero na si Baby Martina.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

Sa mga litratong ibinahagi ni Sheena sa kaniyang Instagram post nito lamang October 31, araw ng Lunes ay makikita ang cute na cute na Halloween costume ni Baby Martina.

“Mingming! Martina’s favorite! #halloween2022”.




Credit: @mysheenahalili on Instagram

Sa kaniyang suot na black cat costume, ay talaga nga namang mapapansin na bumagay sa mala singkit na mata ni Baby Martina, ang kaniyang naging kasuotan na siyang umani naman ng maraming papuri mula sa mga netizens.


Isama pa ang kaniyang hawak-hawak na pumpkin bag na siyang bumagay sa kaniyang photogenic look at mga cute na photos.

“So cute Martina❤️❤️❤️”


Credit: @mysheenahalili on Instagram

“😍😍😍cute bb Martina..”

“Cutie pie! 😍😍”

Maliban sa kaniyang black cat costume ay makikitang nauna na ring nagsuot ng family halloween costume sina Sheena at ang kaniyang pamilya.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

Sa kanilang mga litrato ay makikitang nagbihis mala Matilda Wormwood si Baby Martina na siyang hango mula sa favorite children movie nito na ipinalabas noong 1996 ang “Matilda”.

Samantalang sina Sheena at Jeron naman ay nakabihis bilang mga magulang ni Matilda sa naturang movie na sina Harry Wormwood at Zinnia Wormwood.