Diana Zubiri, ipinakita ang pagkahilig ng kanyang anak na si Amira Jade sa pag-aalaga ng mga halaman

Sa kaniyang mala light gray na kulay na mga mata at kakyutan na talaga namang kahanga-hanga, ang napaka-cute na si Baby Amira Jade, ay isa lang naman sa mga celebrity kids ngayon sa showbiz na hinangaan ng publiko dahil sa kaniyang taglay na kagandahan.

Nagsimulang makilala si Baby Amira Jade bilang [email protected] baby matapos siyang isilang ng dating akres na si Diana Zubiri noong September 14, 2020.

At dahil sa kaniyang kakaibang kulay ng mata ay marami nga sa mga netizens ang talaga nga namang nahumaling sa kanyang taglay na kakyutan.

Kahit 2-years-old na ngayon si Baby Amira, ay hindi pa rin dito natatapos ang pagbibigay niya ng kasiyahan sa publiko, bagkus ay mas lalo pang kinagiliwan dahil sa kaniyang pagiging isang munting “hardinera”.

Sa panibagong vlog na inilabas ni Diana sa kaniyang YouTube channel, ay ipinasilip ng celebrity mom ang pagiging cute na hardinera ni Baby Amira sa kanilang backyard garden.

Kwento pa niya, ay nahilig umano sa pagtatanim si Baby Amira na siyang namana nito mula sa kaniyang lola na mahilig rin sa mga halaman, kaya naman hindi rin nagdalawang isip na bilhan ang kaniyang apo ng mga gardening tools.

Aniya, “’Yan ang favorite thing niya, balcony and calamansi. Plus, now, watering the plants.”



“Nahihilig po siya sa plants at mga flowers, pitas-pitas ganiyan. Nakikita niya si Ola niya, so ginaya niya. Kaya tuloy si Ola, ayan binilan siya ng maraming mga tools.” dagdag pa nito.

Tunay ngang sa murang edad pa lamang ni Baby Amira ay makikita na ang pagkahilig nito sa mga halaman, na hindi kataka-takang maging isang future plantita rin ito sa kaniyang paglaki.

“Alam niyo guys, nakakatuwa kasi ‘yun yung bago niyang hobby, mga bulaklak, mga calamansi picking. Tuwang-tuwa ang Lola kasi, ang lola mahilig ‘yan sa mga pagtatanim ganyan. So parang lagi niyang sinasabi na ‘Oh, nagmana sakin ‘tong si Mimi,.”