Serena Dalrymple, masayang inanunsyo ang kanyang nalalapit na pagpapakasal

Pamilyar ka ba sa linyang “Isa pa-isa pang chicken joy”, na pumatok noong dekada 90 mula sa isang sikat na fastfood chain commercial na talaga namang tumatak sa publiko?


Credit: @sdalrymple on Instagram

Ang hindi malilimutang linya nga na ito ay matagal ng ipinamalas ng napaka-cute at dating child star na si Serena Dalrymple.

Sa kaniyang ipinakitang husay at galing sa pag-arte ay marami nga ang nakapansin sa kaniyang natatanging talento at dito na bumuhos ang mga proyekto na kaniyang natanggap bilang isang batang artista noon.


Credit: @sdalrymple on Instagram

Ilan nga sa kaniyang mga pelikula na talaga namang pumatok sa masa ay ang Haba-baba-doo, Puti-puti-poo; ‘Tong Tatlong Tatay Kong Pakitong-kitong; Tik Tak Toys My Kolokotoys; Bata, Bata.. Paano Ka Ginawa?; Ang Tanging Ina; at Wansapantaym The Movie.

“Ang Tanging Ina Ninyong Lahat” (2008) at “Ang Tanging Ina Mo (Last na ‘To!) na ginanap naman noong 2010 ay isa nga sa mga huling pelikula na ginawa ni Serena bago piliing lisinan ang mundo ng showbiz at ipagpatuloy ang kaniyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.


Credit: @sdalrymple on Instagram

Matapos makapagtapos ng kolehiyo sa De La Salle-College of St. Benilde noong 2011 mula sa kursong Bachelor of Arts degree in Business Administration, ay kumuha rin ng kursong Maters in International Business ang dating aktres sa Hult International Business School sa London.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Serena Dalrymple (@sdalrymple)


Sa kaniyang matagumpay na pagtatapos sa kaniyang pag-aaral at makakuha ng magandang trabaho sa ibang bansa, ay tila ito na rin ang naging daan kay Serena na piliin ng lumagay sa tahimik na buhay at magsimulang bumuo ng isang pamilya.




Credit: @sdalrymple on Instagram

Sa katunayan nga nito ay isang napakagandang balita ang inihatid ng dating child star sa publiko patungkol sa kaniyang pagpapakasal sa kaniyang soon-to-be husband na si Thomas Bredillet.

Sa Instagram post ni Serena nito lamang Sabado, September 24, 2022, ay ibinahagi ng aktres ang timeline ng kanilang relasyon, mula sa kanilang unang pagkikita noong 2018, na nasundan ng pamamasyal nilang dalawa sa Scotland at Paris noong 2019, at pagbili ng kanilang bahay noong 2020.


Credit: @sdalrymple on Instagram

At ngayong taon ay masayang ibinalita ni Serena na sa susunod na linggo ay magaganap na ang kanilang pag-iisang d!bdib.

Aniya, “2022 – we are getting married next week!!!”


Credit: @sdalrymple on Instagram

Dahil dito ay bumuhos naman ang pagbati ng ilan sa kaniyang mga tagahanga at mga kasamahan noon ng aktres sa showbiz.

Ilan sa mga nagbigay ng kanilang congratulatory at best wishes ay sina Shaina Magdayao, Rica Peralejo, G Tongi, at John Prats.