Angelica Panganiban, masayang inanunsyo ang kanyang pagsilang sa anak na pinangalanang Amila Sabine

““Bean” waiting for you all my life”, ito nga ang napakasayang caption na inilahad ng aktres at first-time mom na si Angelica Panganiban, nito lamang September 23, 2022, sa kaniyang Instagram.


Credit: @iamangelicap on Instagram

Isang napakagandang balita ang kaniyang inilahad sa publiko, dahil matapos ang h!rap at pagsubok na kaniyang pinagdaanan sa pagbubuntis ay matagumpay nga niyang naisilang ang isang malusog na sanggol.

Ang kanilang newborn baby ng kaniyang partner na si Gregg Homan ay pinangalanan nila bilang si Amila Sabine Homan, na siyang isinilang ni Angge noong September 20, araw ng Martes.


Credit: @iamangelicap on Instagram

Makikita sa kaniyang IG post ang cute na cute na mata ni Baby Amila, na talaga namang sa mata pa lamang nito ay mababakas na ang kaniyang taglay na kakyutan.

Matatandaang ilang buwan pa lamang ang nakalilipas simula ng ibahagi ni Angge ang kaniyang pagbubuntis sa kanilang panganay na anak, na kung saan ay isang sonogram photo ang kaniyang ipinasilip kalakip ang kanilang litrato ni Gregg na magkasama sa beach.




Credit: @iamangelicap on Instagram

Tunay ngang ang matagal ng pinapangarap ni Angge na bumuo ng isang pamilya at maging isang ina, ay naisakatuparan na ngayon sa pagsilang ng kanilang munting anghel na magbibigay kulay sa kanilang pamilya.

Sa napakagandang balita na ito ay marami nga sa mga kaibigan at katrabaho sa showbiz ng aktres ang nag-iwan ng kanilang pagbati para sa pagdating ng kanilang newborn “bean”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


Ilan sa mga nag-iwan ng kanilang congratulatory message ay sina Janine Gutierrez, Camille Prats, Bianca Gonzales, Charlene Gonzales, Melai Francisco, Cherry Pie Picache, Elisse Joson, Jodi Sta. Maria, at marami pang iba.


Credit: @iamangelicap on Instagram

Labis nga ang naging pasasalamat ng aktres sa kaniyang pamilya at mga kaibigan na sumama sa kaniyang pregnancy journey at nakisabay sa napakagandang kwento ng kaniyang buhay bilang isang first-time mom.

Aniya, “Alam ko may nagawa at ginagawa akong mabuti kaya naging ganito ako kapalad pagdating sa mga kaibigan ko. Salamat at sinamahan ninyo ko sa pinakamasayang siyam na buwan ng buhay ko.”