Isa nga sa mga kilalang first time celebrity parents ngayon sa mundo ng showbiz na talaga namang proud na proud sa kanilang anak ay ang mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina.
Credit: @rodjuncruz on Instagram
Bilang mga magulang ng kanilang unico hijo na si Rodolfo Joaquin Diego Medina Ilustre III o mas kilala sa palayaw nito bilang si Baby Joaquin, ay madalas nga ang naging pagbabahagi ng mag-asawa sa bawat kaganapan ng kanilang buhay pamilya, partikular na ang mga cute moments ng kanilang anak.
Kaya naman sa bawat pagbabahagi nila ng mga moments bilang magulang sa kanilang baby boy, ay ganoon na lamang rin ang kaligayahang hatid nito sa kanilang mga tagahanga.
Credit: @rodjuncruz on Instagram
Tila sa kabila man ng pagiging abala nina Dianne at Rodjun sa kani-kanilang mga trabaho, ay tunay namang mahalaga pa rin para sa kanila na magkaroon ng oras o panahon upang makasama at maka-bonding ang kanilang anak.
Kaya naman nito lamang September 17, 2022 ay isang bongga at napakagandang birthday party ang inihanda ng mag-asawa para sa 2nd birthday ni Baby Joaquin.
View this post on Instagram
Matatandaan na Safari-themed ang naging birthday celebration noon ni Baby Joaquin sa kaniyang 1st birthday, kaya ngayong taon ay isa ngang bonggang Hot Wheels-Themed birthday party naman ang masasaksihan sa kaniyang espesyal na kaarawan.
“Ready na si @babyjoaquinilustre sa 2nd birthday celebration niya! Happy happy birthday son! We love you so much! #BabyJoaquinTurns2”.
Credit: @rodjuncruz on Instagram
At isama pa ang mga kilala at sikat na personalidad na siyang imbitado rin sa 2nd birthday celebration ng napaka-cute na si Baby Joaquin.
Ilan nga sa mga nakadalo ay sina Marco Alcaraz, Gerhard Acao, Pancho Magno, Kristoffer Martin, Kyline Alcantara, Trina Candaza, Ruru Madrid at kasintahang si Bianca Umali, Alfred Vargas, Patrick Garcia at marami pang iba.
Credit: @rodjuncruz on Instagram
Maging ang kanilang malalapit na kapamilya at mga kaibigan ay imbitado rin at nakisaya sa napakasayang pagdiriwang na ito.
View this post on Instagram
Bago pa man ang araw ng kaarawan ng kanilang anak ay makikitang naunang nakisaya si baby Joaquin sa kaniyang mga classmate sa kanilang Pre Nursery school sa The Raya School sa Quezon City.
“Birthday Celebration of Joaquin Pre Nursery Alitaptap Section with his classmates Turo and Clara. Thank you Teacher Magan and Teacher Ei.”