Roxanne Barcelo, inanunsyo ang kanyang pagbubuntis sa ikalawang pagkakataon kasabay ng kanilang masayang pamamasyal

Marahil ay isa ka rin sa mga nabighani at napahanga sa angking ganda at kas3ksihan ng singer-actress na si Roxanne Barcelo.


Credit: Roxanne Barcelo Youtube Channel

Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ng matagumpay na karera sa mundo ng showbiz, ay isang napakasayang pamilya ang nabuo ni Roxanne kapiling ang kaniyang non-showbiz foreigner husband na si Jiggs.

Marami ang ginulat ng aktres sa kaniyang naging anunsiyo noong Disyembre ng nakaraang taon patungkol sa balitang siya ay happily married na sa piling ng kaniyang mister.


Credit: @roxannebarcelo on Instagram

Napanatili mang pribado ni Roxanne ang katauhan ng kaniyang asawa ay hindi naman dito natatapos ang pagbibigay ng update ng aktres, patungkol sa kaniyang masayang buhay kapiling ang asawa at kanilang anak na si Baby Cinco.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Roxanne Barcelo (@roxannebarcelo)


Sa katunayan nga nito ay isa na namang napakagandang balita ang ibinunyag ni Roxanne sa publiko, na kung saan mapapanood sa kaniyang vlog ang kanilang masayang pamamasyal sa Danshui, Taiwan na kasalukuyang tirahan nila bilang pamilya.


Credit: Roxanne Barcelo Youtube Channel

Kwento pa ng aktres, “We had such a wonderful full day out here at Danshui and Jiggs really surprised us. It was so much fun. We had so much street food, yummy food. We went in to these little shops and I hope you guys enjoyed our little trip.”




Credit: Roxanne Barcelo Youtube Channel

Bago matapos ang kanilang masayang family trip ay dito na masayang ibinalita ng celebrity mom ang kaniyang pagbubuntis sa ikalawang anak nila ni Jiggs.

Ayon nga kay Roxanne ay magiging Kuya na ang kaniyang anak na si Cinco, at ibinalita rin niya na sa January 2023 ang nakatakdang isisilang ng aktres ang kanilang 2nd baby boy.

Aniya, “We’re having our second baby boy in a few months! End of January!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Roxanne Barcelo (@roxannebarcelo)


Samantala, bumuhos naman ang pagbati ng mga netizens para sa nalalapit na pagdating ng bagong miyembro ng pamilya nina Roxanne at Jiggs.

“Congratulations to you and hubby! Praying for the entire family’s health.”


Credit: @roxannebarcelo on Instagram

“Yey! Congrats guys! Wishing the baby to be healthy and as gorgeous as baby Cinco. Take care badidaps 💗”.

“Yieeh Sobrang happy ko ate, Congrats po sa inyo ni papa panda🐼🤗 magkakaron na din ng Baby brother si cinco. 💜 mag-iingat palagi ate, love you always.😘💜”