Ivana Alawi, ipinasilip ang kanyang napakalawak at napakagandang bagong bahay kasabay ng paglilinis nito

Madalas mapanood si Ivana Alawi bilang isa sa mga sikat at nangugunang content creator o vlogger dito sa Pilipinas na may higit kumulang na 15.9 million subscribers na sa kaniyang YouTube channel.


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Ngunit hindi lamang siya kinilala bilang isang magaling at hinahangaang vlogger, kundi isa rin siyang mahusay na aktres at ngayon ay isa na ring CEO ng kaniyang sariling Skin Care Line na Ivana Skin.

Sa kabila ng kaniyang natamong karangyaan at kasikatan sa buhay, hindi nakapagtatakang ganoon na lang rin karami ang kaniyang natatanggap na biyaya dahil sa kaniyang pagiging mapagmahal sa pamilya at matulungin sa kaniyang kapwa.


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

At isa nga sa mga biyayang dumating sa buhay ngayon ng 25-year-old actress ay ang kaniyang naipundar na sariling bahay na bunga ng kaniyang pagtitiyaga at pagsusumikap.

Sa inilabas na video ni Ivana sa kaniyang YouTube channel, ay dito ipinasilip ng aktres ang bagong bahay na nilipatan nila ng kaniyang pamilya.


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Bilang nagpapanggap na tagalinis si Ivana at kaniyang amo na si Moana, ay dito makikita ang ilan sa mga pasilip sa loob ng kanilang tahanan.

Paglalahad ni Ivana, “So hindi pa kumpleto yung bahay namin, pero marami pang gagawin. So pag kumpleto na siya iha-house tour ko kayo, ngayon lilinisin muna natin siya.”


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Ayon kay Ivana ay may kanya-kanya na daw silang mga bahay, ngunit dahil hindi kayang mawalay ang kaniyang pamilya, ay naisipan rin ng aktres na magpalagay ng sariling kwarto para sa mga ito.

Aniya. “Nandito tayo kasi nire-renovate yung isang bahay natin. Parang nag kanya-kanya na din kami ng house, pero lahat kami may rooms parin dito. So hindi sila makakawala sa akin.”

“Parang gusto lang namin ng sarili naming place na parang, pwede akong manlalaki. Charing! Joke lang!” biro pa niya.




Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

“Gusto ko lang sabihin na ito yung magiging place ko muna, pero place pa rin namin ‘to,” saad pa niya.

Pagpasok pa lamang sa kanilang tahanan ay bubungad sayo ang isang napakalaking painting ni Ivana, na mula rito ay agad makikita ang pagiging minimalist at cozy ng kanilang bahay.

Magmula naman sa kanilang living room ay makikita ang isang wooden center table na gawa naman sa Acacia wood, at ang kanilang customized gray cushions na perfect naman para sa kanilang mga bisita na gustong mag-relax.


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Pagdating sa kanilang dining area, ay dito naman makikita ang 10-seater wooden dining table, na ayon pa kay Ivana ay 12 na katao raw ang nagbuhat nito papasok sa kanilang tahanan.

Tila ang pagkahilig nga sa mga kahoy ang isa ngayon sa kinagigiliwan ng aktres na dati rati ay yari sa marble, white at gold ang kaniyang kinahihiligan.

“Ewan ko ba, nahihilig ako sa kahoy tapos ang ganda lang, gandang-ganda ako, lahat talaga pati dining. Dati mahilig ako sa marble at saka puti tapos gold, pero ngayon ewan ko ba, anong nangyayari sa akin. Ngayon nagiging ano na ‘ko matured,” ani nito.

Sunod namang ipinasilip ni Ivana ang mga kwarto ng kaniyang kapatid na sina Moana, Hash at Amira, pati na rin ang sariling kwarto ng kaniyang Mama Fatima.


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Ipinasilip rin niya ang kaniyang sariling kwarto, makeup room, at ang magandang closet nito na gawa sa sliding mirror doors.

“Temporary pa lang talaga [ito], kahit yung akin wala pang nalalagay kasi nga parang tutulugan lang muna at makalipat lang.”