Doug Kramer, ipinakita kung gaano sila magkamukha ng anak nyang si Kendra

Talaga nga namang hindi maikakaila ang taglay na kagandahan ng panganay na anak nina Chesca Garcia at Doug Kramer na si Kendra.


Credit: @dougkramer on Instagram

Noon pa man ay agaw pansin na sa social media ang kaniyang kahanga-hangang kagandahan na kaniyang namana sa kaniyang mga magulang.

At marami sa mga netizens ang nagsasabing taglay nga ni Kendra ang mala beauty queen na kagandahan at pangangatawan, kaya naman hindi kataka-takang marami rin ang nagsasabi na kahawig nito ang Miss Universe 2018 na si Catriona Gray.


Credit: @dougkramer on Instagram

Ngunit sa kabila ng mga natatanggap na papuri at paghanga mula sa mga netizens, marami sa mga ito ang may kaniya-kaniya namang pananaw at komento patungkol sa kung sino nga ba talaga kina Chesca at Doug ang kamukha ni Kendra.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer)


Matatandaang minsan nang pinatunayan ni Doug na siya ang kamukha ng kanilang anak, matapos ibahagi nito sa social media ang isang video, na kung saan ay sinubukan nilang mag-asawa na buksan ang phone ni Kendra sa pamamagitan ng face unlock nito.


Credit: @dougkramer on Instagram

At dito nga nakumpirma na kamukha ni Doug ang kanilang anak matapos mabuksan ito nang itapat ang cellphone sa kaniyang mukha, na siyang namang hindi nagbukas nang subukan rin ito gawin ni Chesca sa kaniyang sarili.

Ngunit tila marami pa rin sa mga netizens ang nagsasabing mas kamukha raw ni Kendra ang kaniyang mommy Chesca.


Credit: @dougkramer on Instagram

Kaya naman sa kabila ng kanilang mga komento ay isang litrato nga ang ibinahagi ng dating PBA player na si Doug, na kung saan ay walang kaduda-duda na sa labang ito ay si Doug ang nagwagi.

Ang larawan na kaniyang ibinahagi sa Instagram ay ang litrato nito noong siya ay 13 taong gulang pa lamang at ang kasalukuyang litrato ni Kendra na 13 taong gulang na.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer)


Makikita sa kanilang larawan na parehong nakasuot ng reading glasses ang mag-ama, kaya naman sa unang tingin pa lamang ay tila ang dalawa ay mga pinagbiyak na bunga sa sobrang magkamukhang-magkamukha sa litrato.




Credit: @dougkramer on Instagram

“Doug AND Dougita,” ang naging caption ni Doug kalakip ang kanilang litrato sa nasabing post.

Dahil dito ay marami sa mga netizens ang napa-wow gayundin ang ilan sa mga kilalang personalidad sa showbiz na sina Bianca Gonzales, Gary Valenciano, Jigs Mayuga at Ria Prieto ang nagsabing “like father, like daughter”.

Ayon naman sa mga komento ng mga netizens, “Oh em, carbon copy! 😮”


Credit: @dougkramer on Instagram

“This is still mind bending for me. I swear she looks like a carbon copy of her mama when she’s next to her. But then she looks like your twin when she’s next to you! 😅😵‍💫”

“She looks like her mom, but she also looks so much of her dad😭”