Dimples Romana, ibinahagi ang mga nakakatuwa at nakakabighaning ngiti ng kanyang anak na si baby Elio

Ang aktres at celebrity mom na si Dimples Romana ay isa lang sa mga matagumpay na aktres at negosyante sa mundo ng showbiz.


Credit: @dimplesromana on Instagram

Maliban sa kaniyang ipinakitang husay at galing bilang isang artista, siya rin ay kinilala sa kaniyang pagiging mapagmahal na misis sa kanyang asawa na si Boyet Ahmee, at supportive mom naman sa kanyang mga anak na sina Callie, Alonzo at Baby Elio.

Sa kaniyang pagiging butihing ina sa mga anak ay marami sa kaniyang mga tagahanga ang labis na napabilib dahil sa kaniyang pagiging hands-on mom sa mga ito sa kabila ng kanyang busy schedule.


Credit: @dimplesromana on Instagram

Matatandaang noong July 19, nang ibahagi ni Dimples ang kaniyang paglipad patungong Australia, upang mabigyang suporta ang kaniyang panganay na si Callie para sa kauna-unahang flying training session nito bilang isang student pilot.

Pansamantala mang magkakahiwalay ang mag-ina para sa pagtupad ng kanyang pangarap na maging piloto, ay hindi naman naging hadlang ito upang maging hands-on mom si Dimples sa kanyang bunsong anak na si baby Elio.


Credit: @dimplesromana on Instagram

Sa katunayan, ay mas lalo pa ngang napapalapit ang mag-ina na siyang hindi rin naman nakapagtataka, lalo pa’t talaga sa taglay nitong kagwapuhan at cuteness overload.

Isama pa ang matatambok na pisngi ni Baby Elio na sinamahan pa ng napakacute na dimples nito na namana sa kanyang mga magulang.




Credit: @dimplesromana on Instagram

Sa kanyang taglay na kakyutan ay talaga nga namang maging ang mga netizens, at kaniyang mga Ninong at Ninang ay hindi rin napigilan manggigil sa kanyang kagwapuhan.

Sa video na ibinahagi ng celebrity mom sa kanyang Instagram, ay makikita si Baby Elio na todo ang pa-cute sa harapan ng camera habang siya ay kinakausap ng kaniyang Papa Boyet at Mama Dimples.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)


“Nakikipagngitiaaaan ka naaa anak!!! Ganyaaaan nga,” saad ng aktres.

“Sharing a little bit of our sunshine from our SUN to your home”.


Credit: @dimplesromana on Instagram

“Palagay ko bagay na bagay nga sayo ang mga Ninongs at Ninangs mo Nak.” dagdag pa nito.

Maririnig sa video ang pagkausap ni Boyet sa kanilang anak patungkol sa sport na gusto nito paglaki, kung ito ba ay basketball o hockey.


Credit: @dimplesromana on Instagram

At nang purihin nito ang magandang mata ni Baby Elio na siyang kaparehas rin sa magandang mata ng kanyang Kuya Alonzo, ay dito na maririnig ang pagiging protective mom ni Dimples sa kanilang anak.

Aniya, “No girlfriends, okay?”

“You just wanna meet girls I think – No! Mommy says no to that.”


Credit: @dimplesromana on Instagram

Tunay nga namang kahit baby pa lamang ay taglay na ni Baby Elio ang nakabibighaning karisma.

Kaya maging mga netizens ay labis na kinilig at nabighani sa taglay nitong kagwapuhan at kakyutan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)


“Ampogi naman ng baby boy na yan!!! 😍😍😍”

“Apakapogi naman magwink nyan! 😍😍😍”