Vin Abrenica at Sophie Albert, ipinasilip ang reaksyon ng kanilang anak na si Avianna sa kanyang pinakaunang laruan na manika

Marahil isa nga sa pinakamah!rap na obligasyon ng isang magulang ay ang mapalaki ng maayos at mabuti ang kanilang mga anak.


Credit: @itssophiealbert on Instagram

Kasabay nang paghubog ng kanilang pagkatao ay ito rin ang maituturing na pinakamasayang responsibilidad, na kung saan ay kanilang masusubaybayan ang bawat “first time experience” ng kanilang mga chikiting.

Isa nga ito sa mga inaabangan ng bawat magulang dahil kaakibat nito ang nag-uumapaw na saya at tuwa kapag napakinggan na ang unang beses na pagsasalita nito, paglalakad, ang pagkain ng solid food, unang beses na pag-apak sa beach at marami pang iba.


Credit: @itssophiealbert on Instagram

At bilang isang kabataan ay likas na sa kanila ang mag-laro at mag-enjoy, na kung saan ay dito na nagsisimulang mahubog ang kanilang interes sa iba’t-ibang bagay na nakapagbibigay sa kanila ng kasiyahan.

Kaya naman bilang mga first time parents na sina Sophie Albert at Vin Abrenica, ay isang nakakatuwa at napakasayang tagpo ang kanilang ibinahagi sa mga manonood.




Credit: @itssophiealbert on Instagram

Ang video nga na ito ay patungkol sa kanilang 1st baby na si Avianna Celeste, na kung saan ay ibinahagi ng magkasintahan ang napakacute na reaksyon nito matapos matanggap ang kanyang first ever baby doll.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sophie Albert 🌸 (@itssophiealbert)


‘Priceless’, ganiyan nga kung mailalarawan ang labis na tuwa at excitement ni Avianna matapos mahawakan ang kanyang baby doll.

Makikitang paghawak pa lamang sa kanyang doll, ay mababakas na agad ang matinding pag-aalaga at pagmamahal nito para sa kaniyang laruan, na tila ay itinuturing niya ito bilang kaniyang sariling kapatid.


Credit: @itssophiealbert on Instagram

Maliban sa pagyakap at paghalik sa kanyang baby doll, ay makikitang sinubukan niya rin na ayusan ang buhok nito at painumin ito ng gatas mula sa kanyang feeding bottle.

Tunay ngang nakakagigil ang taglay na kakyutan na ito ni Avianna, kaya naman ang mga netizens ay nasabing handa na nga maging Ate ito sa kanyang magiging future siblings.


Credit: @itssophiealbert on Instagram

“Hihihi ang kulit 😘 cute naman. Pwede na pang practice para sa new bb brother or sister 🤭”.

“Why so cuteeeeeee❤️❤️❤️❤️”.

“SUPEEEER CUTEEEEE 😭❤️”.