Jake Ejercito at anak na si Ellie, magkasamang nagbakasyon sa Europe at ipinasilip ang kanilang napakasayang father-daughter bonding

Marami sa ating mga plano at desisyon ang akala nating maganda at maayos para sa ating sarili at mga mahal sa buhay, ngunit kaakibat rin nito ang kadalasang taliwas sa ating mga plano at desisyon, sa kadahilanang mayroon nakalaan na magandang kinabukasan ang Panginoong Diyos na mas higit pa sa ating inaasam.


Credit: @unoemilio on Instagram

Ganiyan nga kung mailalarawan ang naging pagsasama noon ng dating magkasintahan na sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito.

Hindi man nauwi sa happy ending ang kanilang relasyon, ay naging maayos naman ang kanilang co-parenting relationship pagdating sa kanilang anak na si Ellie.


Credit: @unoemilio on Instagram

Ito nga ang bagay na sinagot ng aktor na si Jake mula sa isa sa kanyang mga naging panayam noon.

Paglalahad ni Jake, “Andi and I, ‘yung relationship naman namin when it comes to co-parenting, hindi naman naging smooth lagi and hindi naman siya smooth ever since. Marami kaming pinagdaanan na phases, siyempre before immature pa kami and everything. So medyo malayo din ‘yung nilakbay bago naging ganito ka settled and smooth.”


Credit: @unoemilio on Instagram

At sa pagsisimula ng maayos na ugnayan bilang mga magulang kay Ellie, ay naging daan naman ito para sa aktor na sulitin ang mga oras na kasama ang anak na si Ellie.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami na madalas makasama ni Jake ang kanyang anak sa tuwing ito ay lumuluwas patungong Manila, upang makipag-bonding at masulit ang kanilang mga oras na magkasama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jake ejercito (@unoemilio)


Kaya naman nito lamang September 4, ay isang masayang father-daughter date ang ginawa ng mag-ama, nang sila ay parehas na mag-enjoy sa kanilang first ever European trip ng magkasama.


Credit: @unoemilio on Instagram

Matatandaang bago pa man magkasama sina Ellie at Jake ay kasama muna ni Andi ang kanilang anak na lumipad rin patungong France, kasama ang fiancé ng dating aktres na si Philmar Alipayo at kanilang dalawang anak na sina Lilo at Baby Koa.

Sa mga litratong ibinahagi ni Jake sa kanyang Instagram account, ay makikita ang masasayang larawan ng mag-ama at mapapansin na labis na nag-enjoy ang dalawa sa kanilang pamamasyal sa Spain.




Credit: @unoemilio on Instagram

Makikita sa mga litrato ang pagiging malapit nilang mag-ama, na kung saan ay may larawan rin silang magkahawak-kamay habang sila ay naglalakad.


Credit: @unoemilio on Instagram

Tunay ngang napakasarap sa pakiramdam na mamasyal kasama ang iyong mga mahal sa buhay, kaya naman maging ang mga netizens ay naaliw sa pictures nina Jake at Ellie, na ayon pa sa aktor ay ito raw ang unang beses na sila ay magsasama sa ibang kontinente.

Aniya, “First time together in a different continent.”