Jason Abalos at Vickie Rushton, ganap ng mag-asawa makalipas ang isang dekadang relasyon bilang magkasintahan

Matapos ang halos higit sa isang dekadang relasyon bilang magkasintahan, ay tila wala na ngang makapipigil pa sa tamis ng pagmamahalan ng aktor na si Jason Abalos at dating PBB housemate-beauty queen na si Vickie Rushton.


Credit: @vimrushton on Instagram

Ang kanilang pinakahihintay at inaasam na kaligayahan ng puso sa piling ng isa’t-isa ay sa wakas naisakatuparan na nga, matapos ang isang napakagandang balita na bumungad sa publiko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jason Abalos (@thejasonabalos)


Matapos ang ilang buwan nang surpresahin ng celebrity couple ang kanilang mga tagahanga na sila’y engaged na sa isa’t-isa, ay tuloy na tuloy na nga ang kanilang planong pagpapakasal.

At ito nga ay ang kanilang pinakahihintay na pag-iisang d!bdib na naganap nitong September 1, 2022, sa San Antonio de Padua Parish Church sa Nasugbu, Batangas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto)


Mula sa kanilang naggagandahang mga kasuotan ay makikitang isang napakagandang exquisitely beaded Filipiniana-esque gown, ang naging kasuotan ng beauty queen na disenyo mismo ng mahusay na designer na si Francis Libiran.



Maging ang aktor na si Jason ay nakasuot naman ng isang intricately embroidered signature art deco Barong Tagalog na disenyo rin ni Francis Libiran.

Ang kanilang pag-iisang d!bdib naman ay dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan sa showbiz.


Bahagi ng kanilang entourage ang celebrity couple na sina Kaye Abad at asawang si Paul Jake Castillo.

Nasaksihan rin sina Joseph Bitangcol at Raphael Martinez, na siyang naging mga kasabayan ni Jason sa ABS-CBN talent search na Star Circle Quest noong 2004.


Credit: @vimrushton on Instagram

Imbitado rin ang ilan sa kanilang mga matatalik na kaibigan sa showbiz na sina Marco Alcaraz, Joross Gamboa, Onyok Velasco, JC Tiuseco, Patrick Garcia at asawa nitong si Nikka Garcia at dating beauty queen na si Samantha Bernardo.

Matapos ang kanilang wedding ceremony sa simbahan ay sinundan naman ito ng reception na ginanap sa Club Ananda, Nasugbu, Batangas.


Credit: @vimrushton on Instagram

Bumuhos naman ang pagbati at best wishes ng mga kilalang personalidad sa showbiz para sa newlywed couple na sina Jason at Vickie.

Ilan sa nagbigay ng kanilang congratulatory message ay sina Dimples Romana, Ara Mina, Max Collins, Hannah Arnold at marami pang iba.