Chesca at Doug Kramer, ipinasilip ang malaki at magandang pagbabago sa ilang bahagi ng kanilang bahay

Maliban sa napakasayang bonding kasama ang pamilya at mga kaibigan, ang pag-iisip ng poyekto na maaaring mapakinabangan sa loob ng tahanan ang isa sa mga priority ngayon ng mag-asawang Chesca Garcia at dating PBA player na si Doug Kramer.


Credit: @dougkramer on Instagram

Isa ang tahanan ng Team Kramer sa mga nagpatunay na hindi na kailangan lumabas at pumunta sa ibang lugar upang makapag-relax at makapag-unwind, dahil ang kanilang napakaganda at mala mansyong tahanan ay sapat na at swak na swak para sa kanilang pamilya.

Matatandaang November 2021 nang ibahagi ni Doug sa kanyang Instagram ang katatapos lamang na paggawa sa kanilang napakagandang swimming pool, na siyang kanilang naging sorpresa mag-asawa para sa kanilang 3 anak na sina Kendra, Scarlett at Gavin.


Credit: @dougkramer on Instagram

Mula nga sa masarap na pagre-relax sa kanilang pool area ay tila hindi pa nga rito natatapos ang pagbibigay sorpresa ng dalawa sa kanilang mga fans, dahil ngayong 2022 ay isa na naman project unlocked ang siyang masayang ibinahagi nina Doug at Chesca sa publiko.

Ani ni Doug, “Our improved outdoor/indoor project.”


Credit: @dougkramer on Instagram

Magmula sa kanilang swimming pool at garden area ay makikitang mayroon na ring pergola at koi pond, na talaga namang bumagay sa modern look ng kanilang tahanan.

Ayon pa kay Doug, ang ideyang ito ay nagmula umano kay Chesca na siyang makalipas lamang ang halos apat na buwan ay naisakatuparan rin ang kanilang planong pag-improve sa kanilang garden area.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer)


“Our 4 month project converting and improving our Lanai and adding a new Pergola by our garden and even a Koi pond! Such a great idea by @chekakramer! Now we have another new fave spot!” paglalahad ni Doug.


Credit: @dougkramer on Instagram

Maliban sa mga naging pagbabago sa ceiling ng kanilang lanai, ay makikita ring bumagay rin dito ang kanilang barbeque grill na perfect naman sa tuwing sila ay magba-bonding ng magkakasama.

“This used to be where the kids playground was, but we decided to maximize the area, add mood lights, and even change up the lanai ceiling and go for a more modern look.”




Credit: @dougkramer on Instagram

“Love the new location of my bbq grill too! So much more beautiful memories will be made here. Thankful, grateful.”

Tila ang munting pagbabagong ito sa kanilang tahanan ang isa na ngayon sa kanilang favorite spot dahil sa hatid nitong instagrammable vibes at mala resort feels, kaya maging si Kendra ay inilahad rin ang kaniyang labis na pagkamangha para rito.


Credit: @dougkramer on Instagram

“It’s super nice! It’s one of my favorite spots in the house” saad ni Kendra.

Marami ang napabilib sa teamwork ng Team Kramer kaya naman maging ang kanilang mga fans ay labis rin na namangha at nag-iwan ng kanilang papuri at positibong komento.


Credit: @dougkramer on Instagram

“wow sir doug, beautiful garden ❤️ it’s surreal 😍 can i please sit in there and take a selfie hahaha 😝”.

“Wow!!! Resort living right at home! Congratulations Team Kramer! 💙”


Credit: @dougkramer on Instagram

“So nice❤️❤️❤️❤️ kelan ba steak night at Kramers? I’m on my way”.

“It’s kinda resort vibes, so cozy! 😍❤️”