Melissa Ricks, masayang inanunsyo ang kanyang pagbubuntis sa kanyang magiging ikalawang anak

Walang pagsidlan ang tuwa ng aktres at celebrity mom na si Melissa Ricks, matapos isapubliko ang kanyang pagbubuntis sa kanyang ikalawang anak.


Credit: @mellyricks09 on Instagram

Ang magandang balita na ito ay ibinahagi ni Melissa sa kanyang Instagram nito lamang August 25.

Isang video ang kanyang ibinahagi na kung saan ay makikitang nagpunta si Melissa para sa kanyang monthly check-up, kasama ang kanyang asawa at panganay na anak sa dating partner na si Charles Togezaki na si Kiera.


Credit: @mellyricks09 on Instagram

Maririnig sa video ang napakacute at maliliit na tinig ng isang bata na tila nagsilbing voiceover ng nasabing video.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melissa Marie (@mellyricks09)


Ang kanyang panganay na si Kiera ay tila excited na nga sa pagdating ng kanyang kapatid, dahil finally siya ay magiging isang Ate na rin.

Sa sumunod naman na post ng celebrity mom ay kanyang ipinasilip ang kanyang 16 weeks baby bump, na kung saan ay inihalintulad pa niya ang laki ng kanyang tummy sa isang avocado.


Credit: @mellyricks09 on Instagram

Sa napakagandang balita na ito ng aktres ay marami nga sa kanyang mga kaibigan at katrabaho sa showbiz ang nagbigay ng kanilang pagbati para sa kaniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melissa Marie (@mellyricks09)


Ilan sa mga ito ay sina Kitkat, Gretchen Fullido, Say Alonzo, Jessa Zaragoza, Jeck Maierhofer, Sophie Albert, Bianca Manalo, Mariel Padilla, Jessy Mendiola, Joross Gamboa, Hero Angeles, Neri Naig, Dianne Medina at marami pang iba.


Credit: @mellyricks09 on Instagram

Samantala, sa kanyang ikalawang pagbubuntis ngayon ay tila kapansin-pansin naman ang pagiging blooming mom ni Melissa sa kanyang mga litrato.

Kahit siya man ay buntis ngayon ay talaga nga namang kahanga-hanga pa rin ang kanyang taglay na ganda.




Credit: @mellyricks09 on Instagram

Marami nga sa mga netizens ang nakapansin at nagbigay ng kanilang papuri at pagbati para sa celebrity mom.

“Apakagandaaaaaaaa ❤️❤️❤️❤️”.


Credit: @mellyricks09 on Instagram

“Blooming Mars! 😍”

“Gorgeous momma! Congrats! 💗”

“Aaaawwww blooming ka sis! Love it!!!”


Credit: @mellyricks09 on Instagram

“Girl n yan❤️❤️❤️❤️ blooming e😍”

Ikinasal sina Melissa at Michael noong May 23, 2021 sa isang intimate wedding ceremony na ginanap sa California, USA.