Nikki Gil, masayang nagdiwang ng kanyang kaarawan kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan

Kabilang noon sa hinahangaan sa kanyang taglay na kagandahan at husay sa pag-awit ay ang dating aktres at singer na si Nikki Gil.


Credit: @nikkigil on Instagram

Sa kanyang natatanging ganda at boses na nakamamangha, ay hindi kataka-takang marami sa kanyang mga tagahanga ang nahumaling at nahul0g sa kanyang anking karisma.

Kaya naman maging ang kanyang asawa na si BJ Albert ay isa rin nga sa mga nab!hag ang puso at pinakasalan ang aktres noong November 2015 sa Sta. Elena Golf and Country Club sa Laguna.


Credit: @nikkigil on Instagram

Bunga ng kanilang matamis na pagmamahalan at pag-iibigan ay biniyayaan sina Nikki at BJ ng dalawang anak, at ito nga ay ang kanilang panganay na si Finn na 4 na taong gulang at bunsong anak na si Maddie na magdidiwang naman ng kanyang unang kaarawan sa Oktubre.

Bagama’t tuluyan mang iniwan ni Nikki ang mundo ng showbiz ay patuloy pa rin naman ang kanyang pagbabahagi patungkol sa kaniyang masayang buhay kapiling ang kaniyang pamilya.


Credit: @nikkigil on Instagram

Isa na nga sa mga ibinahagi ng dating aktres sa kanyang Instagram ay ang masayang pagdiriwang ng kanyang kaarawan nito lamang August 23, araw ng Martes.

Isang intimate dinner party ang naganap sa 35th birthday ni Nikki na ayon pa sa aktres ang kanyang “best husband” na si BJ ang nanguna sa pagdiriwang nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nikki Gil-Albert (@nikkigil)


Aniya, Celebrated my 35th with a dinner hosted by best husband awardee @bj_albert”.

Tunay ngang wala ng mas isasaya pa kung maipagdiriwang ang espesyal na kaarawan kasama ang pamilya at mga kaibigan na sa atin ay lubos na nagmamahal at sumusuporta.




Credit: @nikkigil on Instagram

Kaya naman makikita sa mga litrato ang labis na kasiyahan sa mukha at ngiti ng aktres na makapiling ang kanyang pamilya at matatalik na kaibigan sa kanyang kaarawan.

Saad pa niya, “Thank You Lord for the gift of health, family and friendship.”


Credit: @nikkigil on Instagram

Pinasalamatan rin ni Nikki ang kanyang Tita Margarita sa kanilang masasarap na pagkain na inihanda rin noong sila ay ikinasal ng kanyang asawa.

“The dinner menu featured dishes we served at our wedding reception (thank you tita @margaritafores for squeezing us in)” ani ng aktres.


Credit: @nikkigil on Instagram

Ilan sa nagbigay ng kanilang pagbati para sa kaarawan ni Nikki ay sina Noel Ferrer na isang broadcaster at talent manager, aktres na sina Camille Prats, Ciara Sotto at Bea Alonzo.