Alexa Ilacad, ibinahagi ang kanilang masayang pamamasyal sa New York

Tuloy na tuloy na nga ang paglalayag ng tambalang KDLex o mas kilala at hinangaan ng kanilang mga solid supporters bilang sina Alexa Ilacad at KD Estrada.


Credit: @alexailacad on Instagram

Nagsimulang mabuo ang matamis na pagtitinginan ng dalawa ng sila ay parehas na mapabilang sa mga celebrity housemates, na pumasok sa reality show na Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.

Matapos masubaybayan ng publiko ang kanilang pagsasama sa loob ng bahay ni Kuya (Big Brother), ay tuluyan na nga ring nagsimula ang magandang relasyon at pagtitinginan nina Alexa at KD sa isa’t-isa.


Credit: @alexailacad on Instagram

Bagama’t wala pa mang pormal na anunsyo patungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, ay marami naman sa kanilang mga fans ang patuloy pa ring sumusuporta sa bawat kaganapan ng kanilang buhay, ito man ay mapa telebisyon o social media.


Credit: @alexailacad on Instagram

At kaakibat nga ng mga natatanggap na suporta, ay labis naman ang hatid na kilig ng KDLex sa kanilang naging “Beyond the Stars” concert tour sa New York City.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alexa Ilacad (@alexailacad)


Isa sina Alexa at KD sa mga kilang personalidad sa showbiz na lumipad patungong United States para sa kanilang concert series, bilang pagdiriwang sa ika-30 anibersaryo ng kanilang talent agency ang Star Magic.


Credit: @alexailacad on Instagram

At bago pa man magsimula ang kanilang concert ay ibinahagi na ng dalawa ang kanilang masayang pamamasyal sa New York.

Sa mga ibinahaging litrato ni Alexa sa kanyang Instagram account, ay makikitang namasyal ang dalawa sa iconic Times Square at Brooklyn Bridge.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alexa Ilacad (@alexailacad)


Dito rin makikita ang pagiging malapit ng dalawa sa isa’t-isa na siyang labis na naghatid ng kilig sa mga netizens, dahil sa kanilang pagiging sweet sa mga litaro.


Credit: @alexailacad on Instagram

Dahit dito ay bumuhos nga ang mga nakakakilig na komento ng kanilang mga fans at masayang-masaya sa kanilang dalawa.

“huhu the twinkle in your eyes and kd’s smile… I melt 🤍🤍🤍🤍”




Credit: @alexailacad on Instagram

“KDLEX so sweet 🤍🤍🤍”

“😍😍😍my heart kdlex😍😍😍🤍”

Kasabay ng kanilang pamamasyal bago ang concert ay masaya ring nakipag-bonding ang dalawa sa kanilang mga kaibigan sa showbiz, at bumuo ng masasayang memories na magkakasama.