Bea Alonzo, ibinahagi ang kanyang labis na pagka-miss sa kanyang boyfriend na si Dominic Roque

Simula ng kanilang isapubliko ang kanilang matamis na pagtitinginan at wagas na pagmamahalan, ay hindi na nga maaawat pa sa paghahatid ng kilig at saya ang celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang mga fans.


Credit: @beaalonzo on Instagram

Tunay ngang sa kanilang pag-iibigan ay marami ang talagang nakaabang at naghihintay sa kanilang mga nakakakilig na litrato online at palitan ng mga matatamis na mensahe sa isa’t-isa.

Bilang isang mahuhusay na aktres at aktor sa mundo ng showbiz, hindi maikakailang hindi pabor ang oras sa kanila upang masulit ang mga panahong sila ay makapagkita at magkasama.


Credit: @beaalonzo on Instagram

Kaya naman sa kabila ng kanilang busy schedule ay nagagawa pa rin ng magkasintahan na maglaan ng panahon at oras para sa kanilang “Hun time”.

Ngunit sa pagkakataong ito ay tila LDR feels muna ang sitwasyon ngayon nina Bea at Dominic, dahil kasalukuyang nasa Palawan ang aktres para sa kanyang ginagawang international film.


Credit: @beaalonzo on Instagram

Kasama ang kanyang mga katrabaho na pinoy at foreign actors, ay tila hands-on ngayon si Bea sa kanilang trabaho sa Puerto Princesa City at Taytay, Palawan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


At kahit busy at hands-on sa kanyang trabaho, hindi maitatanggi na nami-miss na rin ng aktres ang kanyang kasintahan at nagawa pa nga niyang ibahagi sa Instagram ang labis na pagka-miss kay Dominic.

Kalakip ang kanilang litratro na magkasama, ay isang nakakilig na caption naman ang kanyang iniwan sa nasabing post, na siyang naghatid ng kakaibang kilig at excitement sa kanilang mga fans.




Credit: @beaalonzo on Instagram

Aniya, “Missing you a little bit more today @dominicroque”

Maging sa IG story ni Bea ay talaga namang mararamdaman ang kanyang pangungulila at kagustuhang makasama ang aktor, matapos niyang magpost ng isang GIF na may nakalagay na “I miss you so much”.

Ramdam na ramdam na nga ang pagkamiss ng dalawa sa isa’t isa na siyang sinagot rin naman ni Dominic ang post ni Bea at sabihing, “I love you.”


Credit: @beaalonzo on Instagram

Dahil dito marami sa kanilang mga fans ang labis na kinilig at natuwa sa celebrity couple, kaya naman marami sa mga ito ang hindi na rin makapaghintay sa muling pagkikita at pagsasama ng dalawa.

“Konting-konti na lang back to each other arms na #huntime is waving narin❤️❤️❤️”.

“Malapit na malapit na BeaDom reunited pati kami excited 😍😍😍”

.
Credit: @beaalonzo on Instagram

“Malapit na tlaga mtapos at mkauwi kana❤️ Miss nyo na isat-isa😍”.

“Ilang days nlang magkikita na kayo BeaDom.😍