Bianca King, masayang inanunsyo ang kanyang pagbubuntis sa unang anak nila ng kanyang asawa na si Ralph Wintle

Pinatunayan ng dating aktres at former Mulawin star na si Bianca King na tunay ngang “Miracles do happen”.


Credit: @bianca_king on Instagram

Sa magandang balita na kanyang ibinahagi sa Instagram nitong August 20, araw ng Sabado, ay masayang inanunsyo ni Bianca ang kanyang pagbubuntis sa unang anak nila ng kanyang asawa na si Ralph Wintle.

Si Ralph ay ang kapatid ni Ben Wintle na asawa naman ng aktres at soon-to-be mom na rin na si Iza Calzado.


Credit: @bianca_king on Instagram

Matapos ikasal sina Bianca at Ralph noong June 2021 sa Sydney, Australia, ay tila isang panibagong yugto na nga ang kanilang kakaharapin ngayon bilang isang magulang sa pagdating ng kanilang anak.

“I lived my life exactly the way I wanted. Took my time and did everything I needed to do. When it was time for us [to] chase the dream of becoming parents, we were ready as ever.”




Credit: @bianca_king on Instagram

Sa ibinahaging litrato ng aktres, ay makikita ang kanyang solo picture at larawan nila mag-asawa, na kung saan ay ipinakita niya rin dito ang kanyang lumalaking baby bump.

Bilang 37-year-old actress, ay inamin ni Bianca na hindi umano naging madali ito para sa kanilang mag-asawa, lalo pa’t naisip na nga nilang sumailalim sa in vitro fertilization (IVF).


Credit: @bianca_king on Instagram

Pagbabahagi ng aktres, “It was a long journey to get here. It was not easy – being in our mid-late 30s. I mentally gave up and was about to do IVF. But surprise! A natural miracle happened.”

Maituturing na isang milagro nga ang pagdating ng bagong biyaya sa buhay nina Bianca at Ralph.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by www.biancaking.com (@bianca_king)


Sa kabila ng kanilang nag-uumapaw na tuwa at kaligayahan ngayon, ay pinasalamatan naman ng aktres ang kanyang asawa sa ginawa nitong paghahanda sa kanya bilang soon-to-be Mama sa pagdating ng kanilang anak.

Aniya, “I thank my beautiful husband for setting me on the path to becoming a mama. Ralph is already the best dog dad, being so hands-on with Willow. We both feel confident that we will be the best parents”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by www.biancaking.com (@bianca_king)


“I hope our baby inherits his looks and athleticism but my personality and creativity, and our shared wit and wisdom.” dagdag pa nito.

Sa magandang biyaya at sa balitang hatid na ito ni Bianca, ay marami naman sa kanyang mga kaibigan sa showbiz ang nagbigay ng kanilang pagbati para sa kanyang pagbubuntis.


Credit: @bianca_king on Instagram

Ilan sa mga kilalang personalidad na ito ay sina Solenn Heussaff, Chesca Kramer, Sofia Andres, Beauty Gonzales, Iya Villania, Mariel Padilla, Michelle Madrigal at marami pang iba.

Ayon kay Bianca, “I’m crying reading all the comments. I know so many people wanted this for me. I’m so relieved I can finally be open about my pregnancy and share the journey with you. I can’t believe I’m actually pregnant.”