Jessy Mendiola, masayang ibinahagi ang kanyang pagbubuntis na umpisa ng bagong yugto ng kanyang buhay

Isang napakasayang balita ang gumulat ngayon sa mga netizens matapos masayang ibalita ng celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola, ang paparating na bagong “blessing” sa kanilang buhay mag-asawa.


Credit: Jessy Mendiola Youtube Channel

Sa inilabas na video ng aktres na si Jessy sa kanyang YouTube channel, ay dito na kinumpirma ngayong Huwebes ng gabi, August 11, 2022 ang kanyang pagbubuntis sa 1st baby nila ni Luis.

Matatandaang ika-21 ng Pebrero ng nakaraang taon nang ikasal ang dalawa sa isang private ceremony sa The Farm sa San Benito, sa Lipa City.


Credit: Jessy Mendiola Youtube Channel

At makalipas nga ang halos higit sa isang taon simula ng sila ay ikasal, ay finally magkakaroon na ng little Jessy o little Luis sa kanilang pamilya.

Saad ni Jessy sa kanyang video post, “What a pleasant surprise! We had planned for our church wedding this year but suddenly God gave us this wonderful blessing, proving time and again that God is the master planner.”


Credit: Jessy Mendiola Youtube Channel

Kuha ang kanilang napakagandang video sa isang simbahan sa Benguet, na kung saan makikitang naulit ang mga naging kaganapan noong kanilang kasal at nagpalitan rin ng nakakaantig at emosyonal na vows sa isa’t-isa.


Credit: Jessy Mendiola Youtube Channel

Ayon kay Luis, “ I get better person in all aspects because of her influence sa buhay ko and looking down the road, parang ang sarap makita kung paano din siya bilang isang mommy.”

“Ang dami kong memorable moments with Lu but this one, siguro this is the best,” saad naman ni Jessy.

Pangako naman ni Luis sa kanyang asawa, “I promise to be the best husband, partner, best friend, and father I can be.”




Credit: Jessy Mendiola Youtube Channel

“For now, our planned church wedding will have to take a backseat until our bundle of joy arrives. This is, by far, the best surprise we have received in our lives. Indeed, with God all things are possible.”

Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga kilalang personalidad mga kakilala at kaibigan ng mag-asawa sa showbiz.


Credit: Jessy Mendiola Youtube Channel

Ilan sa mga nagbigay ng kanilang pagbati at congratulatory message ay sina Alex Gonzaga, Isabelle Daza, Mariel Padilla, Anne Curtis, Sue Dodd, Maxene Magalona, Carla Abellana, at marami pang iba.