Iza Calzado, masayang inanunsyo ang kanyang pagbubuntis kasabay ng kanyang kaarawan

Isang nakakatuwa at napakagandang balita ang hatid ng aktres na si Iza Calzado na siyang labis na gumulat ngayon sa publiko.


Credit: @missizacalzado on Instagram

Nito lamang ika-12 ng Agosto, araw ng Biyernes, na siyang araw rin ng kaarawan ni Iza ay kanyang masayang inanunsyo ang pagbubuntis nito, sa unang baby nila ng kanyang Filipino-British businessman husband na si Ben Wintle.

Sa edad na 40, ay tila masayang-masaya ngayon ang soon-to-be mom, na ayon pa nga sa kanya ay itinuturing niyang “miracle” at “guiding light” ang pagdating ng napakagandang biyaya sa kanilang buhay mag-asawa.


Credit: @missizacalzado on Instagram

Aniya, “They were right. Life does begin at 40. Simply put, your life begins as your mother turns forty. To know that life is growing inside me is great miracle. You are my miracle. You are my guiding light.”

Kasabay ng kanyang kaarawan at ika-20 na taong anibersaryo sa mundo ng showbiz, ay isang panibagong yugto na ang kakaharapin ngayon ni Iza bilang isang magiging ganap na ina sa kanilang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iza Calzado Wintle (@missizacalzado)


“So I had all these big plans for my for 40th year on Earth as it also coincides with my 20th year in the industry. I already completed a few of the exciting projects lined up for me and there were a few dream projects in the pipeline. I was ready to usher in this new chapter in my life.” madamdaming pahayag ng aktres.




Credit: @missizacalzado on Instagram

Kwento pa ni Iza, ay hindi niya umano inaasahan ang pagdating ng blessing na ito sa kaniyang buhay. Ngunit, naniniwala ang aktres na ito ang planong inilaan sa kanila ng Panginoon.

“Then you came along. Unexpectedly. You may not have been in my immediate plans but I instinctively knew that this was THE plan.” saad nito.


Credit: @missizacalzado on Instagram

Dagdag pa niya, “In my forty years I have come to discern when God is steering me to a different direction. A path I may not have thought of yet it always turns out to be the best for me. So now, I surrender to His will with no resistance. Thank You, Lord, for the most beautiful birthday gift. Our ABUNDANCE.”

Sa napakagandang balita at sa panibagong blessing na dumating sa buhay ni Iza at ng kanyang asawa, ay bumuhos naman ang pagbati ng mga kaibigan at katrabaho ng aktres sa showbiz.


Credit: @missizacalzado on Instagram

Ilan sa mga nagbigay ng kanilang komento ay sina Maymay Entrata, Dimples Romana, Catriona Gray, Liza Soberano, Arjo Atayde, Sunshine Cruz, Noel Ferrer, Sarah Lahbati, Jake Cuenca, at marami pang iba.

Ikinasal sina Iza at Ben sa Coron, Palawan noong December 19, 2018.