Jhong Hilario, natuwa sa sagot ng kanyang anak na si Sarina

Kinilala ang aktor na si Virgilio Viernes Hilario Jr. o mas kilala sa kanyang stage name na Jhong Hilario, na isa sa mga mahuhusay at magagaling na aktor sa mundo ng showbiz.


Credit: @jhonghilario on Instagram

Nagsimulang makilala si Jhong ng publiko ng siya ay mapabilang sa isa sa mga mahuhusay na dance group noon na kinilala bilang Streetboys, na kung saan ay kasama niya rin sa grupong ito ang matalik na kaibigan na si Vhong Navarro.

Sa kanyang husay at galing sa pagsasayaw, ay hindi maitatangging isa ang aktor sa mga hinahangaang celebrity ngayon na nagpakita ng natatanging husay sa kanyang talento.


Credit: @jhonghilario on Instagram

Kaya naman ang King of the Dance Floor na si Jhong ay kinilala ng publiko bilang Sample King at ngayon ay isa na ring huwarang public servant bilang siya ang isa sa mga kasalukuyang Councilor ng first district ng Makati City.

Tunay ngang kahanga-hanga ang kanyang ipinakitang dedikasyon sa kanyang trabaho, upang marating ang ganitong klaseng karangyaan na bunga ng kanyang pagsusumikap sa buhay.


Credit: @jhonghilario on Instagram

Ngunit tila hindi lamang ang kanyang mga tagahanga ang napabilib at humanga sa kanyang natatanging charm, dahil maging ang kanyang napakacute na baby girl at sample princess na si Sarina ay isa rin pala sa kanyang mga tagahanga.

Ito nga ay bagay na pinatunayan ni Jhong sa ibinahaging short video clip sa kanyang Instagram kasama ang kanyang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jhong Hilario (@jhonghilario)


Sa video ay makikita ang napakacute na si Baby Sarina na buhat ng kanyang Daddy Jhong, at tinanong ito kung “Pogi ba si Daddy?”, na agad namang sinang-ayunan at sinagot ng kanyang anak at sinabing, “Opo.”.




Credit: @jhonghilario on Instagram

Ayon pa nga sa iniwang caption ng aktor sa kanyang naturang post, “Hindi talaga nagsisinungaling ang mga bata.”

Matapos mapanood ang video na ito ay isa namang nakakatawang komento ang ibinahagi ng kumare at ninang ni Baby Sarina na si Karla Estrada, na pabirong sabihin nito kay Jhong na huwag pilitin ang kanyang “inaanak”.


Credit: @jhonghilario on Instagram

Saad ni Karla sa kanyang naging pabirong komento, “Luh wag mo pilitin inaanak ko!”

Samantala, ang mga netizens ay nagbigay naman ng papuri at positibong komento sa taglay na kakyutan at pagiging magalang ni Baby Sarina.


Credit: @jhonghilario on Instagram

“Ang cute…ang galing magsabi ni baby Sari ng “Opo” 😍😍😍”

“😍😍❤️❤️ opo 👏👏👏 magalang at cute na baby :)”