Badjao Girl na si Rita Gaviola, masayang inanunsyo ang kaniyang pagiging isang ganap na ina

Sino nga ba naman ang makakalimot sa nag-viral noong taong 2016 dahil sa kanyang anking taglay na kagandahan, na nakuhanan ng isang netizen sa kasagsagan ng Pahiyas Festival noon sa Lucban, Quezon.


Credit: @itsritagaviola on Instagram

Dahil sa kanyang natural na kagandahan sa murang edad pa lamang ay kinilala ng publiko ang viral girl na si Rita Gaviola o mas kinilala siya ng publiko bilang si “Badjao Girl”.

Matapos masilayan ang kanyang mga larawan sa social media ay nagsilbi naman itong daan para kay Rita na magbukas ang mga oportunidad sa kanyang buhay.


Credit: @itsritagaviola on Instagram

Kaya naman ang Badjao girl na si Rita ay napabilang noon sa isa sa mga housemate ng reality talent show na Pinoy Big Brother 7 Teen Edition noong 2016.

At nito lamang Pebrero taong 2022 ay muling pinahanga ni Rita ang publiko matapos niyang sumali sa isang segment ng noontime variety show na It’s Showtime, na kung saan siya ay nagwagi bilang daily winner ng nasabing kompetisyon.




Credit: @itsritagaviola on Instagram

Ngunit makalipas lamang ang ilang buwan ay isa na namang panibagong yugto sa buhay ni Rita ang gumulat at nagpamangha sa publiko matapos niyang ibahagi ang anunsiyong ito sa social media.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Gaviola (@itsritagaviola)


Sa pamamagitan ng litrato na kanyang ibinahagi sa Instagram nito lamang August 8, araw ng Lunes, ang dating Badjao Girl na nakilala ng publiko ay isa na pala ngayong Badjao Mom.

Makikita sa litrato ang isang masayang family picture ni Rita kasama ang kanyang Baby Kia at ang ama ng kanyang anak.


Credit: @itsritagaviola on Instagram

Bumuhos nga ang pagbati at well-wishes para kay Rita para sa panibagong yugto na kanyang kakaharapin bilang isang ganap ng ina.

Nakatanggap man ng maraming pagbati ay may ilan pa rin sa mga ito ang nagsabi ng mga negatib0ng komento patungkol sa kanyang buhay at sa kanyang career.


Credit: @itsritagaviola on Instagram

Ngunit sa kabila nito ay patuloy namang naging pos!tibo si Rita sa kanyang masayang buhay ngayon kapiling ang kanyang anak.

Aniya, “Sa mga nadissapoint or madami pang sasabihin saakin buhay ko yung tinatahak ko tska madami pa akong kayang gawin and maraming salamat po sa mga sumusuporta kasama na namin si baby kia sa susunod na mga vlog namin.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Gaviola (@itsritagaviola)


Bilang isang ina ay hangad rin ng badjao mom ang kal!gtasan at ikabubuti ng kanyang anak, kaya mula sa mga negatibong komento na natatanggap ay matapang pa rin niyang ipinagmalaki na ginawa nya kung ano lamang ang makabubuti at hindi nagpadala sa natamong kasikatan.

 

“Sabihan ninyo lang ako [email protected] na salita kahit laitin niyo ako okay lang saakin Basta wag ninyo lang idamay ang anak ko tatanggapin ko lahat ng [email protected] wag lang anak ko pero isa lang masasabi ko na proud ako kasi hindi ko [email protected] ang baby dahil lang sa kasikatan.” saad ni Rita.