Anne Curtis at Erwan Heussaff, ipinasilip ang naging masayang karanasan ng kanilang anak na si Dahlia Amelie habang nasa bakasyon sa isla ng Siargao

Nagsimula na nga ang tag-ulan sa bansa, ngunit para sa ating ilang mga kababayan ang pagbabakasyon ay tila kasing init pa rin ng summer, ang kagustuhang makapag-relax at makapag-enjoy kasama ang pamilya at mga kaibigan.


Credit: @annecurtissmith on Instagram

At kung ang hanap mo lang rin naman ay isang napakagandang isla at pasyalan, perfect na perfect ang Isla ng Siargao na karapat-dapat puntahan ng mga surfers at certified “beach lovers”, dahil hindi lang naman ito kilala bilang surfing spot sa bansa kundi nagmistula rin itong paraiso sa ganda.

Kaya naman ang mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff ay hindi na pinalagpas pa ang pagkakataong ito upang makapagbakasyon at masulit ang kanilang mga libreng oras na magkakasama.




Credit: @erwan on Instagram

Sa kanilang masayang pamamasyal sa Siargao, ay tila hindi lamang ang mag-asawa ang labis na nag-enjoy, kundi maging ang kapatid ni Erwan na si Solenn Heusaff at ang napaka-cute na anak nito na si Tili ay nakisaya rin sa kanilang bakasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erwan Heussaff (@erwan)


Sa katunayan, maging ang unica hija ng mag-asawa na si Dahlia Amelie ay hindi rin naman nagpahuli at sinubukan na ngang mag-enjoy at mag-relax sa kanilang pananatili sa isla.

Sa ibinahaging litrato ni Anne sa kanyang Instagram post ay makikita ang napakacute na si Dahlia, na masayang in-eenjoy ang kanyang pag-inom ng buko juice habang may pinagmamasdan sa hindi kalayuan na tila sinisipat ang kagandahan ng lugar.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)


Bukod pa rito, ay sino ba naman ang maliligaw sa islang ito kung ganito lang rin naman ka-cute ang iyong magiging driver.

Makikita sa litratong ibinahagi ni Erwan, ang kanilang cute na cute na little Erwanita ay tila nagmistulang nangang isang Bao-Bao o Tuk-Tuk trike driver, na siyang masayang naghihintay sa pagsakay ng kanyang mga pasahero.


Credit: @erwan on Instagram

Sino ba naman ang hindi mamamangha sa kanyang taglay na kakyutan, kaya naman maging ang mga netizens ay hindi rin magkamayaw sa pagbibigay ng kanilang papuri at komento sa litrato ni Dahlia.

“The cutest driver ever 🥰🥰🥰 can I have a free ride pls pretty dahlia? 💕💕💕”

“Dahlia!!!!! The cutest 😍❤️”


Credit: @annecurtissmith on Instagram

“awww so cute dahlia😍 this photo makes me smile 😍😍😍 my fave kid to watch ❤️”

“Love this photo! Enjoy little girl 💗 Ingat sa pasada.”