Sheena Halili at anak na si Martina, nagpakitang gilas at husay sa pagsayaw

Magmula sa napakaraming ‘software application’ na kinahuhumalingan ngayon, isa na marahil ang ‘TikTok’ sa pinakapatok ngayon na application, na kung saan ay talaga namang marami sa ating mga kababayan ang nalilibang sa paggamit nito.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

Tunay ngang napakarami na ang nahuhumaling sa panonood at pagsayaw sa TikTok, na siyang hindi lamang mga netizens ang bigay todo sa pag-indak sa bawat dance moves na kanilang ginagawa at ginaya, kundi maging ang mga sikat na celebrities sa showbiz ay kumasa rin sa nauusong TikTok dance challenge.

Isa na nga sa mga kilalang personalidad sa showbiz na hindi inatrasan ang trending ngayon na dance challenge sa TikTok, ay walang iba kundi ang Kapuso actress at celebrity mom na si Sheena Halili.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

At ang rap dance challenge na hindi inatrasan ni Sheena ay ang “My Money Don’t Jiggle It Folds” na siyang sinulat para sa 2000 document series na ‘Louis Theroux’s Weird Weekends’ ng British journalist at filmmaker na si Louis Theroux.

Nagsimula ngang maging patok ang rap song na ito matapos mag-viral ang isang interview clip ni Louis, na siya namang nilagyan ng autotune ng music producers na sina Duke & Jones.




Credit: @mysheenahalili on Instagram

At makalipas nga lang ang ilang linggo ay nag-viral na ito sa TikTok world ng sayawin na ng content creator na sina Jess Qualter kasama ang kanyang kaibigang si Brooke na sinasayaw ito gamit ang awitin.

Dahil dito ay marami na nga sa mga netizens ang nahumaling sa sayaw na ito, kaya maging si Sheena ay ginawa rin ang dance challenge ngunit sa pagkakataong ito ay partner nya ulit sa sayawan ang kanyang napaka-cute at chinita daughter na si Martina.


Sa ibinahaging video ng celebrity mom sa kanyang Instagram post,ay makikita ang matchy-matchy outfits ng mag-ina, sa kanilang suot na black outfit na tinernuhan pa ng black shades.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

Magmula sa video ay makikita ang adorable dance move nina Sheena at Martina, na kung saan sa bawat kanilang pag-indak ay naghatid na naman ng good vibes sa kanilang mga tagahanga.

Ayon sa iniwang caption ng aktres sa kanyang naturang post, “From The Wiggles with Emma to Wiggle, Wiggle with Momma! Hi Papa @jemanzanero”.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

Umani ito ng samu’t saring papuri mula sa mga netizens at maging ang napaka-cute na si Martina ay pinanggigilan rin ang kanyang labis na kakyutan.

“Cute naman ng dalawa❤️👏👏🔥”.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

“apaka cute namn ng baby girl na yan😍”.

“Aww parang kelan lang nasa tiyan mo pa siya ngayon kasama mo na siya sumasayaw. So cute”.

“hahahaha Ang cuteee😍”.