Iya Villania at Drew Arellano, ibinahagi ang pagiging sobrang malapit ng kanilang mga anak sa kanila

Ang pagiging isang magulang ay hindi nga madaling trabaho at responsibilidad. Para sa iba, ito na marahil ang pinakamahirap na gawain dahil sa nakapatong na responsibilidad sa balikat ng bawat magulang ay talaga nga namang hindi ito biro.


Credit: @iyavillania on Instagram

Ngunit, sa kabila man ng hirap ng pagiging isang ina at ama, ay marami pa rin na itinuturing ang kanilang pagiging isang magulang bilang pinakamasaya na responsibilidad na kanilang tinanggap ng buong puso.

Isa na nga sa mga ito ay ang ulirang ina, mapagmahal na asawa at isang mahusay at kilalang personalidad sa showbiz na walang iba kundi si Iya Villania.


Credit: @iyavillania on Instagram

Si Iya ay isa nga sa mga kilalang host ng sikat na news broadcasting program ng GMA-7 ang 24 Oras.

At sa kanyang katatapos lamang na panganganak nito lamang buwan ng Hunyo, sa kanilang ika-apat na anak ng kanyang asawa na si Drew Arellano na si Baby Astro Phoenix, ay kinailangan muna ng celebrity mom na mag maternity leave upang makapagpahinga at maka-recover sa kanyang panganganak.


Credit: @iyavillania on Instagram

Ngunit ang planong maternity leave ay nagsilbing meaningful at kaaya-aya para kay Iya, matapos ibahagi ng TV host ang kanilang napakasayang litrato kasama ang kanyang mga anak at asawa na si Drew.

Sa Instagram post ni Iya noong ika-17 ng Hunyo ay makikita ang pagiging abala ng mag-asawa sa pag-aayos ng mga kagamitan sa loob ng kanilang tahanan.


Credit: @iyavillania on Instagram

At makikita rin na maging ang kanilang mga anak na sina Primo, Leon at Alana ay nakitulong at nakisali rin sa pag-aayos ng mag-asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iya Villania-Arellano (@iyavillania)


Inilarawan nga ng celebrity mom bilang “magnets” ang pagiging malapit ng kanilang mga anak sa kanila, na ayon pa nga sa kanya ay kung saan raw sila magpunta ay laging nakasunod ang mga ito.




Credit: @iyavillania on Instagram

Ayon sa kanyang iniwang caption sa naturang post ay kanyang sinabi, “Where the parents are, the children follow. I swear we’re like magnets! They just want to be wherever we are and I love it!!! Even if for some reason I look more climb worthy to Leon over his papa.”

Tila maliban sa pag-eenjoy ay labis rin nga nasulit ni Iya ang kanyang maternity leave lalo pa ngayon na kasama nya ang kanyang pamilya.


Credit: @iyavillania on Instagram

Aniya, “Enjoying my maternity leave fixing, decluttering and organizing our home. I guess you could call it “extended nesting””.

Samantala, pinasalamatan rin ng celebrity mom ang kanyang asawa sa pag-assemble ng kanilang kagamitan sa bahay.

“Thanks for assembling this one, love @drewarellano” saad nito.