Pauleen Luna, nagbahagi ng isang nakakaantig at matamis na mensahe para sa asawang si Bossing Vic Sotto bilang pagdiriwang sa Father’s Day

Kung ang buwan ng Mayo ay ating ipinagdiriwang ang espesyal na araw para sa mga ilaw ng tahanan, tila ang buwan naman ng Hunyo ay ang pagkilala at pagbibigay pugay sa pagmamahal at sakr!pisyo ng mga haligi ng bawat tahanan.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Kaya naman sa pagsapit ng Father’s Day ay tila kanya-kanyang pamamaraan na nga ang ginagawa ng mga pamilya, upang maipagdiwang ang espesyal na araw na ito at mabigyan ng pagkakataon ang bawat ama ng tahanan na makapag-enjoy at makapag-relax kasama ang kanilang pamilya.

Maging ang mga celebrity dad ngayon ay hindi rin nagpahuli na makisaya sa pagsalubong ng Father’s Day kasama ang kanilang pamilya.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Kaya naman ang aktres at celebrity mom na si Pauleen Luna-Sotto ay hindi na nga nagpahuli na ma-celebrate ang araw na ito, at nagbigay ng isang nakakaantig at taos pusong mensahe para sa kanyang asawang si Bossing Vic Sotto.

Sa Instagram post ni Pauleen ay makikitang ibinahagi niya ang napaka-cute na litrato ni Bossing Vic kasama ang kanilang anak na si Tali.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Sa litrato ay makikita ang adorable photos ng mag-ama na kung saan ay masisilayan rin ang masasaya at matatamis na ngiti ng dalawa habang nakatingin sa isa’t-isa.


Ayon sa caption na iniwan ni Pauleen sa kanyang post, ay labis na pinasalamatan ng celebrity mom ang kanyang asawa sa pagiging “hero” nito sa kanilang anak na si Tali.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Aniya, “I believe that our lives are made of small moments and it’s small precious moments like this, with our loved ones that make life worth while. Thank you for being Tali’s hero! Happy Father’s Day!”

Maging ang kanilang mga fans at supporters ay hindi rin nakalimutan na mag-iwan ng kanilang pagbati para kay Bossing Vic.




Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

“I love watching the both of them just be mag-ama!!! Happy Father’s Day Bossing!”

“Happy Father’s Day to my fave comedian Vic Sotto!😍😍😍”


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

“Happy fathers day Bossing❤️😍”

“Happy Father’s Day bossing you’re the best 👍🙏🏻”