Kylie Padilla, agaw pansin sa kanyang napakagandang larawan na talagang nagpahanga sa mga netizens

Kung kagandahan ng isang kababaihan ang siyang pag-uusapan ay tiyak marami na sa atin ang nakarinig, na kapag ang isang kababaihan ay nagkapamilya at nagkaroon ng sariling mga anak ang anking ganda raw ay kumukupas.


Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

Ngunit tila ang mahusay na aktres na si Kylie Padilla ay isa lang naman sa mga halimbawa ng mga celebrity mommies ngayon, na talagang pinagpala sa pagkakaroon ng napakagandang mukha na hindi aakalaing siya nga ay isa ng ganap na ina.

Mula pa man noon ay taglay na ni Kylie ang mala diyosa at flawless na kagandahan, maging ang pagkakaroon ng makinis at mala porselanang kutis ay isa rin sa kanyang mga asset.


Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

Kaya naman hindi nakapagtataka na marami sa mga netizens ang talaga namang siya ay hinahangaan at sinusubaybayan, hindi lamang sa kanyang natatanging galing at husay sa pag-arte kundi maging sa kanyang nakabibighaning ganda.

At kahit siya ay may dalawang anak na sa dating asawa na si Aljur Abrenica na sina Alas at Axl, ay pinatunayan pa rin ni Kylie na kahit single mom na ngayon ay hindi pa rin kumukupas ang kanyang ganda.


Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

Sa ibinahaging larawan ng aktres sa kanyang Instagram post nito lamang Huwebes, ika-16 ng Hunyo ay makikitang nakasuot ng puting gown si Kylie habang kapansin-pansin naman ang anking kagandahan nito sa suot na kasuotan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kylie 🌙 (@kylienicolepadilla)


Ayon nga sa kanyang iniwang caption, ay tila aakalaing siya ay isang anghel dahil sa natatanging ganda nito.

Aniya, “When Alas came with me to work, I turned into an angel.”




Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

Maging ang mga netizens at kanyang mga tagahanga ay nagbigay rin ng kanilang mga kumento, at labis na pinuri ang taglay na ganda ni Kylie sa kanyang naturang litrato.

“grabeeee sobraaa nayang kas3xyhan mo ha!!❤️❤️❤️❤️🔥”


Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

“Gorgeous as always😍 your beauty is so versatile… the best!”

“Beautifil as well madam god bless…be strong moma❤️👏😍”

“So pretty, so charming and so s3xy….❤️🔥”