Anak nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na si Lilo, hinangaan ng mga netizens matapos magpakitang gilas sa kanyang pagsasanay ng surfing

Marami sa mga batang nasa edad mula isa hanggang tatlong taong gulang pa lamang ay nahuhumaling na sa iba’t-ibang klase ng laruan na kung saan ay nagbibigay sa kanila ng kasiyahan.
Laro dito, laro doon, ganyan nga kung mailalarawan ang isang bata na sabik sa pakikipaglaro at laging kasa-kasama ang kanyang mga laruan maging ang kanyang mga kaibigan.

Credit: @andieigengirl on Instagram

Ngunit, ating ibahin ang napakacute na anak ng magkasintahang Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na si Lilo. Dahil sa kanyang murang edad pa lamang ay imbis na laruan ang pinagkakaabalahan ngayon, ay ang pagsu-surfing ang kanyang nagiging libangan.

Credit: @chepoxz on Instagram

Tila kung madalas nga nating marinig ang kasabihang ‘like mother, like daughter’, ay tila hindi naman magpapahuli ang mag-ama pagdating sa surfing na kung saan ay pinatunayan ni Lilo na ‘Like father, like daughter’.

Credit: @chepoxz on Instagram

Sa video na ibinahagi ng dating aktres at celebrity mom na si Andi, nito lamang Linggo, ika-12 ng Hunyo ay makikita ang pagpapakitang gilas ng island girl na si Lilo habang mag-isang nag-aaral ng surfing.

Credit: @chepoxz on Instagram

Aniya, “Lilo surfer girl. Flat season means getting the littles out in the water as much as possible, and allowing them to get themselves started in surfing!”

Credit: @chepoxz on Instagram

Kapansin-pansin na kahit ilang metro lamang ang layo ni Andi sa kanyang anak, ay makikita pa rin ang suporta nito sa bagong achievement ni Lilo. Tunay ngang nanalaytay sa dug0 ng mga anak nina Andi at Philmar ang pagkahilig sa surfing, na syang hindi naman nakakapagtataka dahil sa pagiging surfing champion at professional surfer ni Philmar.

Credit: @chepoxz on Instagram

Samantala, sa Instagram post naman ni Philmar ay ibinahagi naman niya ang kanilang litrato ni Lilo, na kung saan ang mag-ama ay parehas na nagpapakitang gilas sa pagtayo sa ibabaw ng surfboard habang tinatawid ang malalakas na alon.

Credit: @andieigengirl on Instagram

Kung ikaw ay napabilib sa taglay na galing at husay ni Lilo sa pagsu-surfing, ay tiyak na hindi magpapahuli ang mga netizens na siyang nagbigay at nag-iwan ng kani-kanilang mga komento.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)

“Wow Lilo, you are going to be a great surfer just like your Daddy❤️”

“Sweet galing😍😍👏👏”

“Ang galing namn ni lilo.👏👏”

“This so cute.. little surfer in the making ❤️”