Alexa Ilacad, taglay ang kahanga-hanga na mala-dyosang kagandahan at katalinuhan

Marami na sa mga cute at talented child star noon sa industriya ng showbiz ang siyang kinagiliwan at nagbigay saya sa kanilang mga manonood. At kasabay nga ng paglipas ng panahon, ay siya ring unti-unting paglaki ng dating cute na cute na bata lang noon, ay ngayon isa ng ganap na binata at dalaga ng kasalukuyang henerasyon.


Credit: @alexailacad on Instagram

Tulad na lamang ang dating child star at commercial model na si Alexa Ilacad, na kung saan ay hinangaan ng marami hindi lamang sa kanyang husay at galing sa pag-arte, kundi taglay rin nya ang pagkakaroon ng mala diyosang kagandahan at maamong mukha.

Sa kanyang edad ngayon na 22, ay hindi aakalaing ang dating cute na cute na bata lamang noon na lumalabas sa mga TV commercials, ay agaw pansin na sa social media dahil sa kanyang nakabibighaning kagandahan.


Credit: @alexailacad on Instagram

Isa nga si Alexa sa mga nagpatunay na sa kabila man ng pambabatikos na kanyang natatanggap mula sa kanyang mga bashers patungkol sa kanyang itsura at pangangatawan, ay hindi naman naging hadlang ito para sa aktres na ipakita at patunayan sa publiko ang kanyang pagkakaroon ng kabutihang puso at overflowing beauty.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alexa Ilacad (@alexailacad)


Ito nga ay bagay na kanyang pinatunayan matapos muling pabilibin ni Alexa ang publiko matapos ibahagi ng aktres sa Instagram ang kanyang nakamamanghang water photosh0ot.


Credit: @alexailacad on Instagram

Kalakip ang caption na, “Only in still waters do things reflect undistorted.”, ay siya namang pagbuhos ng komento at paghanga ng mga netizens sa mala diyosang kagandahan ng aktres at ayon pa nga sa kanilang komento ay siya nga ang nag-iisang “Diyosa ng Tubig”.

“Overflowing sa ganda”.


Credit: @alexailacad on Instagram

“Ang reyna ng mga anyong tubig”.

“So 🔥🔥🔥🔥🔥 and Pretty Dyosa ng Tubig 💕”.

“Sobra Ganda mo❤️❤️🔥🔥❤️❤️”.




Credit: @alexailacad on Instagram

Maging ang nali-link ngayon kay Alexa na si KD Estrada, ay hindi rin nagpahuli at nag iwan rin ng nakakakilig na komento para sa dalaga, na umabot na nga sa halos 2K ang nag-like sa kanyang komento.

Aniya, “tama na nahulog na nga eh”.


Credit: @alexailacad on Instagram

Samantala, maliban sa mga natatanggap na biyaya at magandang karera ngayon ni Alexa sa showbiz, ay ibinahagi rin ng aktres ang kanyang pagiging first-ever cover girl ng Star Magic’s digital video magazine ang ‘Slay’.


Credit: @alexailacad on Instagram

Bukod pa rito, siya rin ay nakapagtapos na sa kolehiyo sa kursong Business Administration sa Treston International College at nakakuha ng perfect 1.0 na GWA.

Tunay ngang hindi lamang kagandahan ang kanyang maibubuga kundi taglay rin niya ang kahanga-hangang katalinuhan at kahusayan sa pag-arte.