Ruffa Gutierrez, masaya sa naging pagkikita ng kanyang mga anak at ng kanilang ama matapos ang napakahabang panahon

Makalipas ang halos isa’t kalahating dekada ay sa wakas nakasama na nga ng dalawang anak ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice ang kanilang ama na isang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas.


Credit: @iloveruffag on Instagram

Matatandaang bago pa man maganap ang emosyonal na pagtatagpo ng magkapatid sa kanilang ama, ay minsan nang ibinahagi ng beauty queen-actress ang nalalapit nilang pagtatagpo.

Ika-8 ng Hunyo, araw ng Miyerkules nang ibahagi ni Ruffa sa kanyang Instagram post ang isang Tiktok video, na kung saan ay makikita mula rito ang mga throwback photos ng kanyang mga anak at maging ang kanilang larawan ng kanyang dating asawa ay masisilayan rin sa bidyong ito.


Credit: @iloveruffag on Instagram

Aniya, “After 15 long years apart, a beautiful reunion will finally take place in Istanbul this weekend. #TogetherAgain”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)


Maging ang mismong araw ng maagang pag-alis ng magkapatid patungong Istabul, Turkey ay ibinahagi rin ng celebrity mom, na kung saan ay hangad rin nya para sa kanyang dalawang anak ang masaya at memorable trip kasama ang kanilang ama.


Credit: @iloveruffag on Instagram

Pagbabahagi ni Ruffa, “All their bags are packed, they’re ready to go. 5:30am drop off for Lorin & Venice’s morning flight to Istanbul. The girls are super looking forward to reuniting with their Baba and Turkish loved ones after more than a decade.”


Credit: @iloveruffag on Instagram

“My cuties, have a meaningful, memorable and fun trip! Take lots of pics & videos. Better yet, vlog! I love you.” saad pa nito.




Credit: @iloveruffag on Instagram

Kaya naman nang dumating na nga ang mismong araw na pagtatagpo ng mag-aama, ay dito na masisilayan ang kanilang emosyonal na pagkikita sa international airport, na siyang mapapansin pa lamang sa mahihigpit na yakap na iginawad ni Yilmaz matapos salubungin ang kanyang dalawang prinsesa.

Samantala, kasabay ng masayang pagtatagpo ng mag-aama ay nakasama rin ng magkapatid ang kanilang stepsister na si IIknaz na siyang makikita rin ang masayang pakikipagbonding sa kanyang mga kapatid.


Credit: @iloveruffag on Instagram

Ayon sa iniwang caption ni Ruffa ay kanyang sinabi, “The greatest love story of all time is between a father and his daughters. A beautiful and heartwarming reunion after 15 years of being apart. 🇹🇷 #NewBeginnings #TogetherAgain #Yilmaz #Ilknaz #Lorin #Venice”

Taong 2003 nang ikinasal sina Ruffa at Yilmaz sa isang magarbong seremonya, ngunit sa pagdating ng taong 2007 ay dito na nga inanunsyo ng dalawa ang kanilang hiwalayan.