Mika Dela Cruz, ibinahagi ang masayang bakasyon kasama ang kasintahan na si Nash Aguas sa Palawan

Pagdating sa usaping pag-ibig ay marahil isa na sa madalas na pumupukaw sa interes ng nakararami ay ang nakakakilig na love story ng dalawang taong nagmamahalan.


Credit: @mikadlacruz on Instagram

Tunay ngang iba-iba ang pamamaraan kung paano pinagtatagpo ang dalawang indibidwal na magbibigay kulay at saya sa kanilang mga buhay.

Karamihan sa atin ay pinagtatagpo at nagkakilala sa social media, mayroon din namang nagsimula sa pagkakaibigan at mayroong din pinagtagpo ng panahon sa hindi inaasahang pagkakataon.


Credit: @mikadlacruz on Instagram

Ngunit wala na ngang mas igaganda pa sa pag-iibigan ng dalawang taong tunay na nagmamahalan, na nagsimula man bilang magkaibigan, at pinaghiwalay man ng panahon panandalian, ngunit ngayon ay pinagtagpo muli upang magsama at mas lalong patibayin pa ang kanilang nabuong relasyon noong kanilang kabataan.

Tila ganyan nga mailalarawan ang nakakakilig na love story ng magkasintahang Mika Dela Cruz at Nash Aguas, na siyang patuloy na naghahatid ng saya at kilig sa kanilang mga tagahanga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mariko [まりこ] (@mikadlacruz)


Hindi lamang mahuhusay at talentadong mga artista sa industriya ng showbiz kung mailalarawan ang dalawa, bagkus sila rin ay hinangaan ng publiko sa kanilang taglay na kagandahan at kagwapuhan.


Credit: @mikadlacruz on Instagram

Nagsimula man makilala bilang child star noon sina Mika at Nash, ay tila ngayon sila na nga ang nakatadhana sa isa’t isa lalo pa’t sabay na rin nilang inaabot ang kanilang mga pangarap. At isa na nga sa mga pangarap na ito ay ang kanilang first travel bilang magkasintahan.

Sa litratong ibinahagi ni Mika sa Instagram post ay makikita ang kauna-unahang travel ng dalawa sa El Nido, Palawan, na kung saan ay makikita ang kanilang nabuong masasayang memories ng magkasama.




Credit: @mikadlacruz on Instagram

Sa loob ng halos apat na taong relasyon nina Mika at Nash, ay tila ito nga ang unang beses na nakapag plane ride ang dalawa.

Ayon sa inilagay na caption ni Mika sa nasabing post, “Almost 4 years together & this is the first time that I got to experience traveling by plane with you. Can’t wait for the next adventure where we are faced with countless opportunities for growth and creating core memories..”


Credit: @mikadlacruz on Instagram

Bumuhos naman ang suporta at kilig ng kanilang mga tagahanga sa nakakakilig na litrato ng dalawa sa kanilang masayang bakasyon na magkasama.

“Love love love Mika and Nash 😍😍😍😍😍”.


Credit: @mikadlacruz on Instagram

“Sweeet Nash and mika ❤️❤️❤️❤️😍😍 kilirgg 😍.”

“My MikAsh heart is sailing ⛵♥️”