Dimples Romana, nasurpresa sa inihandang baby shower ng kanyang mga kaibigang sina Bea Alonzo at Angel Locsin

Halos ilang buwan na rin ang nakalilipas simula ng gulatin ng aktres at celebrity mom na si Dimples Romana ang publiko, patungkol sa kanyang pagbubuntis sa ikatlong anak nila ng kanyang asawang si Boyet Ahmee.


Credit: @dimplesromana on Instagram

At sa paparating na paglabas ng kanilnga baby boy na pinangalanan nila bilang si Baby Elio, ay isang masayang surpresa naman ang natanggap ni Dimples mula sa kanyang mga pinakamatalik na kaibigan sa showbiz.

Ang supresa nga na kanyang natanggap ay isang magical baby shower na ginanap mismo sa Concept Space Manila, na kung saan ang kanyang mga kaibigan na sina Bea Alonzo at Angel Locsin ang naghanda at nakaisip ng masayang surpresang ito para sa celebrity mom.


Credit: @dimplesromana on Instagram

Martes, ika-7 ng Hunyo nang magbahagi si Dimples ng mga litrato kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan na dumalo sa kanyang surprise baby shower.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto)


Sa mga litratong kuha mismo ng Niceprint Photography ay makikita ang napakagandang venue na pinagganapan ng kanyang baby shower, na design mismo ng isa sa mga sikat na event stylist and floral designer na si Randy Lazaro.


Credit: @dimplesromana on Instagram

Hango ang theme ng venue sa isang children’s fairytale book ang “The Tale of Peter Rabbit”, na kung saan ay kapansin-pansin ang pagka-magical ng lugar na siyang napapalibutan rin ng blue and white balloons na nakadagdag sa kagandahan nito.

Sa isang larawan ay makikita rin na kumpleto ang pamilya ni Dimples matapos lumipad pauwi galing Australia kamakailan lamang ang kanyang panganay na anak na si Callie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)


Ilan rin sa mga nakadalo sa nasabing sopresang ito ay sina Kim Molina, Jerald Napoles, Janus Del Prado, at Ahron Villena. Imbitado rin ang mister ni Angel na si Neil Arce at kasintahan ni Bea na si Dominic Roque.




Credit: @dimplesromana on Instagram

Kalakip ang kanilang masasayang litrato ay hindi naman napigilan ng celebrity mom na pasalamatan at ibahagi kung gaano siyang ka swete sa kanyang dalawang kaibigan sa inihanda nitong sorpresa para sa kanya.

Aniya, “These two @therealangellocsin @beaalonzo. How did I become this blessed to have the most amazing friends/ sisters in this lifetime. Mahal na mahal na mahal ko kayong dalawa.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)


Hindi lubos akalain ni Dimples ang sopresang ito para sa kanya, dahil aniya sa kanyang pagkakaalam ay isang brand shoot ang kanyang pupuntahan sa araw na iyon.

Pagbabahagi ni Dimples, “Kagabi, when I came in the room, I couldn’t make up exactly what I was seeing, (Wala din ako suot na contact lens kaya nearly blind ako)”.


Credit: @dimplesromana on Instagram

“What I thought was a brand shoot turned out to be one of the most beautiful surprises ever to happen in my life.” Dagdag pa niya.

Samantala, labis rin namang pinasalamatan ni Dimples ang lahat ng mga nakapunta at naging bahagi ng kanyang surprise baby shower.


Credit: @dimplesromana on Instagram

“And to everyone who made time to be part of the Baby Shower Surprise and made tonight one of the most memorable nights of our family’s life, SALAMAT. To those who weren’t able to make it but were also in on the surprise, THANK YOU! I love you all so so much.”