Iya Villania, inaming hindi naging madali ang kanyang panganganak sa ikaapat nilang anak ni Drew Arellano

Hindi nga matatawaran ang labis na kaligayahan ngayon ng mag-asawang Mars Pa More host Iya Villania at Drew Arellano, sa pagdating ng panibagong biyaya sa kanilang pamilya.


Credit: @iyavillania on Instagram

Ito nga ay ang pagdating ng panibagong miyembro na bubuo sa pamilyang Arellano, na walang iba kundi ang napakacute na si Baby Astro Phoenix V. Arellano.

Araw nga ng Sabado, ika-4 ng Hunyo, ay isinilang na ni Iya ang napakacute na si Baby Astro, na kung saan ay kalakip ng magandang balitang ito ay isang paglalarawan ng TV host sa kanyang naging karanasan sa panganganak sa ikaapat nilang anak ni Drew.


Credit: @iyavillania on Instagram

Sa Instagram post ng celebrity mom, ay ibinahagi ni Iya ang kanyang larawan kasama ang bagong silang na si Baby Astro, at kapansin-pansin ang magandang litrato ng mag-ina na siyang makikita sa kanyang mga mata ang labis na pagmamahal ni Iya sa kanyang anak.

Kalakip ang kanilang litrato ay ang pagbabahagi ng celebrity mom sa kanyang naging panganganak, na kung saan ay inilarawan niya ang kanyang 4th childbirth delivery bilang “most pa!nful yet most special” delivery.


Credit: @iyavillania on Instagram

Ayon sa kanyang naging caption, ay dito idinetalye ni Iya na hindi nga naging madali ang kanyang panganganak kay Baby Astro, dahil umabot lang naman raw sa 30 hanggang 40 minutes ang itinagal bago niya tuluyang maisilang ang kaniyang anak.

Aniya, “My longest and most painful delivery but also the most special because I was praying for strength and courage EVERY SINGLE DAY hoping to get thru an unmedicated birth to wrap up this journey (yes guys, I believe this is the last!)”




Credit: @iyavillania on Instagram

“I was at 6cm and giving up when I asked for the drgs when all of a sudden God flipped a switch and I delivered 30-40mins after!!! He knew the desires of my heart and He opened my cervix up before the drgs came,” dagdag pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iya Villania-Arellano (@iyavillania)


Tunay ngang hindi naging madali ang lahat para sa TV host, kaya naman naniniwala pa rin si Iya na ito na rin ang huling beses na siya ay manganganak.


Credit: @iyavillania on Instagram

Sa kabila man ng kaniyang pinagdaanang h!rap, ay labis pa rin ang pasasalamat ni Iya sa Panginoon sa ibinigay na gabay at sa pagdating ng panibagong biyaya sa kanilang pamilya.

Pasasalamat ng TV host, “What an experience! Thank you Lord”.


Credit: @iyavillania on Instagram

Taong 2014 nang ikasal sina Iya at Drew, na siyang biniyayaan ng supling noong 2016 nang isilang ang kanilang panganay na si Primo, at sinundan pa nga ni Leon noong 2018 at ang nag-iisang babaeng anak sa kanilang pamilya na si Alana na siyang isinilang naman noong 2020.