Angeline Quinto, ibinahagi ang kanyang pinagdaanang pagsubok bilang isang first-time mom

Madalas nating makita at marinig sa mga telebisyon o maging sa mga advertisement ang kahalagahan ng pagpapa-br3astfeed sa mga sanggol.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Kaya naman ang kasabihang “Br3astfeeding is the best for the babies”, ay isa lang naman sa mga isinusulong ng mga mommies partikular ang mga first-time mom, na siyang nakararanas ng h!rap at pagsubok pagdating sa pagpapa-br3astfeed sa kanilang mga anak.

At bilang isang newly mom sa kanyang newborn baby, ay inamin naman ng aktres at singer na si Angeline Quinto, na “struggle is real” talaga ang kanyang nararanasan ngayon pagdating sa pagpapa-br3astfeed sa kanyang anak na si Baby Sylvio.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Sa ibinahaging vlog ni Angge sa kanyang YouTube channel, ay dito itinampok ng first-time mom ang kanyang “nighttime routine and br3astfeeding journey“.

“Mga ka-twinkle hayaan niyo ko na i-share sa inyo kung ano yung mga ginagawa ko every night since nanay na ako ngayon, syempre napakadaming nagbago.” Saad ng singer.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Tunay ngang hindi naging madali lahat para kay Angge, dahil tulad ng ibang mommies ay isa rin siya sa mga nakararanas ng pagkakaroon ng hindi sapat na gatas na lumalabas sa kanyang d!bdib.

Aniya, “Tulad ko na first-time mom, medyo nahirapan ako na makapag produce ng milk kakapanganak ko pa lang kay Sylvio.”


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Ngunit sa kabila nito ay naniniwala pa rin ang singer na “worth it” pa rin umano ang lahat ng kanyang pagh!hirap at pagsasakr!pisyo, upang maibigay lamang ang tamang sustansiya at lumaking healthy ang kanyang anak.

Pagbabahagi niya, “Hindi madali, hinding-hindi po madali talaga. Pero napakaworth it naman, kasi every time na nakikita ko si Sylvio na masarap yung tulog, kapag umiiyak siya tapos napakain ko ng maayos, alam nyo ‘yun.”


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Labis mang nahihirapan, pero malaki pa rin ang naging pasasalamat ng celebrity mom sa lahat ng mga tao na tumulong sa kanya at nagbigay ng mga tips at advices upang siya ay mas lalo pang matulungan.

Pasasalamat ni Angge, “Sobrang thankful lang ako dahil maraming tumulong sakin na mga midwife, yung doon sa h0spital kung saan ako nanganak, sa Medical City.”




Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Kaya naman sa kabila ng kanyang h!rap na pinagdadaanan bilang isang first-time mom ngayon, ay patuloy pa ring hinikayat ng singer ang mga tulad niya ring mommies na nakararanas ng ganitong sitwasyon tulad niya.

Aniya, “Napaka importante talaga na hangga’t maaari na makapag br3astfeeding tayo sa baby. Makakatulong [siya] siyempre sa immune system ni baby, na habang lumalaki siya alam natin na nakakatulong tayo sa kanila na maging healthy yung mga anak natin.”


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Samantala, kalakip naman ng kanyang breastfeeding journey ay ibinahagi rin ni Angge ang kanyang nighttime routine pagdating sa pag-aalaga at pag-aasikaso kay Baby Sylvio, sa tul0ng at agapay rin ng kanyang non-showbiz partner na si Nonrev Daquina.

Ilan sa kanyang ipinasilip ay ang pagpapatulog sa kanyang anak, ang pagpe-prepare sa bed ni Baby Sylvio, at ang hindi makakaligtaan sa kanilang routine ay ang prayer time nila bilang isang pamilya.