Bea Alonzo, masayang ipinasilip sa kanyang latest vlog ang kanyang pagbili ng sariling apartment sa Madrid, Spain

Matatandaang noong Abril 9, 2022, nang ibahagi ng Kapuso actress na si Bea Alonzo ang kanyang masayang bakasyon at pagbisita sa Spain. Sa loob ng halos higit sa 18 na oras na kanyang pagle-layover sa kanyang naging pagbyahe, ay tila hindi nga ito naging alintana para sa aktres lalo pa’t labis naman niyang na-enjoy ang panonood ng pelikula sa eroplano.

Credit: Bea Alonzo Youtube

Ngunit tila hindi lamang pagbisita sa Spain ang pakay ni Bea sa kanyang pagpunta roon dahil nito lamang Sabado, ika-14 ng Mayo, ay masayang ibinahagi ng aktres ang dahilan ng kanyang pagpunta sa Madrid, Spain kamakailan.

Credit: Bea Alonzo Youtube

Sa ibinahaging vlog ng aktres sa kanyang YouTube channel, ay dito na nga ibinahagi ni Bea ang magandang balita na siya nga ay nakabili na ng sariling apartment sa Madrid, Spain.

Kasabay ng kanyang ika-100 episodes ng kanyang video sa YouTube, ay dito na ibinahagi ng aktres na matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng sariling bahay sa Europe.

Credit: Bea Alonzo Youtube

Pagbabahagi ni Bea, “I will be sharing with you a dream that I was able to realize just recently. Last month, I went to Madrid to do apartment hVnting! It has always been my dream to own an apartment in Europe for my family. And finally, it happened!”

Credit: Bea Alonzo Youtube

Sa video ay ipinakita ng aktres ang kanyang naging apartment hVnting, na kung saan ay kanyang sinilip ang anim na apartments sa tulong ng Filipino-Spanish real estate broker na si Paolo Piccio.

Bago ang naging pagpili ni Bea sa mga apartments na kanilang pinuntahan, ay kanyang idinetalye ang ilan sa kanyang mga criteria upang makapili ng maganda, sulit, at swak na bahay para sa kanya at sa kanyang pamilya.

Credit: Bea Alonzo Youtube

Aniya, “The first thing is the location. Siyempre kapag nag-iikot kami, we won’t be scared to go out at night and to go back to our apartment.

Pagpapatuloy niya,

Credit: Bea Alonzo Youtube

“And the other criteria is it has to have two to three bedrooms. Of course, I’m not only buying this just for myself, I’m also buying this for my family.”

Credit: Bea Alonzo Youtube

“And the third criteria is that it has to have a lot of windows. Spain is a sunny country, and gusto ko yung maramdaman ko yung pagiging vibrant, pagiging energetic yet traditional ng Spain.” dagdag pa nito.

Credit: Bea Alonzo Youtube

Sa anim na apartment nga na sinilip ni Bea ay kanyang napili ang ikalawang apartment na located sa Chamberi, na kung saan ay maliban sa kagandahan at pagiging spacious ng lugar, ay labis rin niyang nagustuhan ang pagkakaroon ng elevator na perfect para sa kanyang ina na si Madame M.

Credit: Bea Alonzo Youtube

Pinatunayan ni Bea, na sa kabila ng kanyang ilang taon na pagtatrabaho bilang isang mahusay na artista at vlogger, ay talaga namang wala ng mas hihigit pa sa kasiyahang nadarama sa pagkamit ng pangarap na siyang bunga ng iyong pagsusumikap sa buhay.

“After many years of hard work, and weighing things whether I should buy or not I have decided to just take a leap and do it!”