Alice Dixson, taglay pa rin ang kahanga-hangang kagandahan at lakas ng pangangatawan sa kabila ng edad na 52

Tunay ngang hindi kailanman magiging basehan ang edad sa ating panlabas na kaanyuan, dahil marami nga ang nagpatunay na sa kabila man ng kanilang edad ngayon ay napapanatili pa rin nila ang magandang pangangatawan at walang kupas na kagandahan.


Credit: @alicedixson on Instagram

Isa nga sa magandang halimbawa nito ay ang batikang aktres na si Alice Dixson. Sa kanyang edad na 52, ay hindi nga ikinakahiya ni Alice ang kanyang edad, bagkus ay kanyang ipinagmamalaki pa ito lalo na ngayon na siya ay isa ng ganap na ina.

Sa kanyang bawat paglabas sa social media at telebisyon, mapa teleserye man o pelikula, ay talaga namang kahit sino ay mamamangha dahil taglay pa rin ng celebrity mom ang walang kupas na kagandahan.


Credit: @alicedixson on Instagram

Kaya hindi nakapagtatakang isa si Alice sa hinahangaan ng publiko dahil sa kanyang pagkakaroon ng fit na pangangatawan maliban sa kanyang taglay na kagandahan.

Kaya naman ang tanong ng karamihan ay paano nga ba napapanatili ng aktres ang kanyang youthful glow sa kabila ng kanyang edad ngayon.


Credit: @alicedixson on Instagram

Ang bagay nga na ito ay madalas na ibinabahagi ni Alice sa kanyang Instagram account, na kung saan ang pagiging fit at healthy at pagkain ng masusustansyang pagkain, mapanatili ang kanyang blood sugar level ay isa sa mga mahahalagang bagay ngayon para sa kanya.

Aniya, “At this age kailangan talaga mag effort to stay fit and healthy, while being mindful of proper nutrition and maintaining my blood sugar levels, especially now that I’m travelling more.”


Credit: @alicedixson on Instagram

At dahil napapadalas ang pagta-travel ng aktres kasama ang kanyang anak na si Baby Aura, ay matapang naman nyang inamin na hindi madali ang mag-alaga ng baby lalo na sa kanyang edad at walang nanny.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)


Ngunit, pinatunayan ni Alice na ang kanyang pagiging fit and healthy ay talaga nga namang handang-handa pa rin upang makapag travel kasama ang kanyang family.

Kaya naman ang celebrity mom ay nagbahagi ng isang video na kung saan ay kasama nyang lumipad si Baby Aura upang mabisita ang kanyang partner at Papa ng kanilang anak.




Credit: @alicedixson on Instagram

Sa video ay mapapansin ang masayang travel nina Alice at Baby Aura magmula pa lamang sa pagsakay sa eroplano at bangka, hanggang sa kanilang marating ang hindi pinangalanang isla na kanilang tinuluyan.

Pagbabahagi ng celebrity mom, “In the last 24 hours… we took 3 flights and 1 boat to reunite with Papa (without a nanny for a malikot toddler is not an easy task for a 52yo)”.


Credit: @alicedixson on Instagram

Dahil dito ay marami nga sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang komento at pinuri ang pagiging fit and ageless beauty ng aktres.

“You’ve taken such good care of yourself”.

“Wla paring kupas ang ganda mo po”.