Angeline Quinto, ibinahagi ang kanyang mga karanasan ngayon sa pag-aalaga ng kanyang baby na si Sylvio

Sa tuwing darating ang buwan ng Mayo, isa lang naman sa ating mga ipinagdiriwang ay ang espesyal na araw para sa ating mga ilaw ng tahanan o ang ipinagdiriwang natin na Mother’s Day.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Kaya naman sa naging pagdiriwang ng Mother’s Day nito lamang ika-8 ng Mayo, ay isa nga sa masasayang nag-celebrate ng araw na ito ay ang singer-actress at first time mom na si Angeline Quinto.

Bilang first time mom sa kaniyang anak na si Baby Sylvio ay hindi naman itinanggi ni Angge, na talagang hindi nga raw biro ang pagiging isang ina dahil kaakibat nito ang puyat at pagod na nadarama.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Ngunit, sa kabila man ng pagod ay masayang-masaya naman si Angeline na siya ngayon ay isa ng ganap na ina sa kanyang anak.

Aniya, “Actually, masayang-masaya ako. Na-eenjoy ko ‘to, parang kahit mahirap, nakakapagod, [pero] parang ‘di mo nararamdaman yung pagod.”


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

At upang maibahagi sa kanyang mga ka-twinkle at tagasubaybay ang kanyang buhay sa loob ng isang araw bilang isang first time mom, ay ibinahagi ng singer sa latest vlog ang kanyang pagiging hands-on mom sa kanilang panganay ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Pagbabahagi ni Angge, “Alam niyo ang dami-dami ko gustong ibahagi sa inyo, ang dami ko gustong i-share, lalo ngayon dahil ang daming nagbago sa everyday routine ko sa buhay bilang isang nanay.”


Credit: @loveangelinequinto on Instagram

Magmula sa maagang paggising sa umaga, ang pag-aaytos ng mga gamit ng kanyang anak, ang pagpapa-araw, at pagpapaligo kay Baby Sylvio, ay ilan lang naman sa mga ipinakita ni Angeline na siyang bagay na ginagawa nya ngayon bilang isa ng ganap na ina.

Maging ang kanyang partner, ay katuwang rin ni Angge sa pag-aalaga at pag-aasikaso sa kanilang baby boy.




Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Talaga nga namang kahit busy sa pagiging hands-on parents sa kanilang panganay, ay hindi naman nakaligtaan nina Angeline at ng kanyang partner na gawing sentro pa rin ng kanilang pamilya at pagsasama ang Panginoon.

Samantala, isang nakakaantig na video naman ang ibinahagi rin ng celebrity mom sa kanyang Instagram account, na kung saan ay makikita ang paghele ni Angge kay Baby Sylvio.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)


“You are my sunshine, baby Sylvio,” saad ng singer sa kanyang video post.

Marami naman sa mga tagahanga ni Angge ang nagbigay ng kanilang masayang pagbati at komento para sa kanilang iniidolo.

“👏soooo best gift happyyy mother’s day dear angel…..💗💗💗💗💗😘 love bby sylvio 💙🙏”

“Happy mother’s day momsh!! Desurv mo yan, We’re so happy for you. We love you 🌙🤍”


Credit: @loveangelinequinto on Instagram

“Happy mother’s day ate angge, Ang kyutt nyooo!!! 💕💕”

“AwWw Kay gandang view😍😍❤️❤️”.