Erwan Heussaff, nagbahagi ng nakakatuwa at napaka cute na bidyo kasama ang anak na si Dahlia Amelie na inihanda para sa asawang si Anne Curtis

Isa nga sa mga talaga namang kinagigiliwan at hinahangaang celebrity baby ngayon sa mundo ng showbiz, ay walang iba kundi ang unica hija at napaka-cute na anak ng celebrity couple na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff.


Credit: @erwan on Instagram

Tunay ngang hindi maikakaila ang taglay na kakyutan ni Dahlia, lalong-lalo pa ang bibong personality nito na talaga namang pati ang mga netizens at kanyang mga magulang ay aliw na aliw kapag siya na ay nasilayan sa social media.

Tila wala na ngang makakapigil pa sa kanyang taglay na kakyutan, na kahit ang kanilang mga tagahanga ay nakaabang na sa kanyang mga litrato at videos online.


Credit: @erwan on Instagram

Nito lamang Linggo, ika-8 ng Mayo ay muling pinatawa at pinahanga ni Dahlia ang mga netizens, matapos magbahagi ng isang nakakatawa at adorable video si Erwan sa kanyang Instagram account.

Sa nasabing video ay makikitang nakaupo ang mag-ama sa isang sofa habang si Erwan ay hawak naman ang gitara, upang subukan na kumanta kasama si Dahlia bilang paghahanda sana para sa Mother’s Day video na kanilang planong gawin para sa asawa at aktres na si Anne.


Credit: @erwan on Instagram

Ngunit tila hindi nga naisakatuparan ang kanilang planong pagkanta, dahil hindi halos mabuo ni Erwan ang kanta dahil sa kakatawa sa pagiging bibo ng kanyang anak.

Mayroon din naman eksena ang mag-ama na kung saan ang cute na cute na si Dahlia ay napasabi ng “I”m so pretty” at “I’m so sakay” habang ito ay enjoy na enjoy habang naglalaro katabi ang kanyang ama.


Credit: @erwan on Instagram

Ayon nga sa ibinahaging caption ni Erwan sa kanyang video post, “We were supposed to sing this song together and then use it as the background music, in our Mother’s Day video.

“It clearly didn’t work out, but we tried.” dagdag pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erwan Heussaff (@erwan)


Dahil dito ay hindi nga napigilan ng mga netizens na matuwa at panggigilan ang pagiging bibo ni Dahlia at ang taglay nitong kakyutan.

“Awwwwwww she looks like you but sooo Annneeskiii, too ❤️❤️❤️❤️”




Credit: @erwan on Instagram

“Dahliaaaaa ang kwela mo na like your mama! 😂 “I’m so pretty!” “I’m sakay!” kyooooot 😍😍😍😍”.

“😂😂😂😂 omgggg Dahlia is soooo adorablee!!! 😍😍😍😂😂😂 this is sooo funny!”