Solenn Heussaff at Nico Bolzico, ipinasilip ang naging binyag ng kanilang anak na si Thylane Katana

Makalipas ang dalawang taon at apat na buwan ay sa wakas nabinyagan na nga ang unica hija at napakacute na anak ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico na si Thylane Katana o mas kilala bilang si Tili.


Credit: @nicobolzico on Instagram

Ang magandang balita na ito ay inanunsyo ng mag-asawa sa kanilang Instagram account, na kung saan ay ibinahagi ni Nico noong Sabado, Mayo 7 ang isang short video clip sa naganap na binyag ng kanilang anak na si Tili.

Dalawang taon at apat na buwang gulang nga ang napakacute na si Tili ng kanyang tanggapin ang sakramento ng binyag.


Credit: @nicobolzico on Instagram

Sa nasabing video ay makikitang ang mag-asawa na sina Solenn at Nico kasama si Tili na nakasuot ng puting dress sa kanyang pagtanggap ng sakramento.

Bahagi rin ng video na ito ang siyang pagdalo ng sister-in-law ni Solenn na si Anne Curtis, kasama ang napakacute nilang anak na si Dahlia Amelie ng kanyang asawang si Erwan Heussaff na siyang kapatid ni Solenn.


Credit: @nicobolzico on Instagram

Umabot na nga sa halos 200K likes ang video post na ito ni Nico kasabay pa ang natanggap rin na komento at pagbati magmula sa kanilang mga followers.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico)


Ilan sa mga komentong ito na kanilang ibinahagi ay, “Welcome to the Christian world, Tili habibi 🥹♥️♥️”.

“Aawww welcome to the christian world Tili💖💖💖”.




Credit: @nicobolzico on Instagram

“Welcome to the Christian world Thylane Katana Bolzico! 😍❤️❤️❤️👏😇 you’re wonderful. 😘”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn)


“Welcome to the Christian world Tilibolz! ❤️ stay a blessing to everyone 😊”


Credit: @solenn on Instagram

Matapos ang kaganapan sa simbahan ay nagkaroon din ng masayang selebrasyon ang mag-asawa, lalong-lalo na ang kanilang anak na si Tili na masayang nag-enjoy at nakipaglaro sa mga batang imbitado rin sa pagdiriwang na ito.