Assunta De Rossi, ibinahagi ang masayang bonding moments nila ng kanyang napakacute na anak na si Baby Fiore

Sa tuwing darating ang buwan ng Mayo sa ating mga kalendaryo, ay hindi lamang natin ginugunita ang mahahalagang araw ng mga manggagawa, kundi ay kasabay rin nito ay ang munting pagkilala sa kabutihan, kasipagan, at kadakilaan ng mga ilaw ng tahanan.

“Mother’s Day”, marahil ito ay hindi na bago sa atin dahil ito lang naman espesyal na araw na kung saan ay ipinagdriwang ng bawat pamilya, lalong-lalo na ang ating mga kinikilalang ilaw ng tahanan ang araw na ito.

At dahil sa nalalapit na pagdating ng Mother’s Day, ay panahon na nga upang ating kilalanin naman ang mga ina na hindi sumuk0 sa pagsubok ng buhay at mas pinatatatag pa ng panahon basta kasama ang kanilang pamilya.

Ang pagkakaroon ng isang kumpleto at masayang pamilya ay isa lang naman sa pinakamagandang biyaya na ating matatanggap sa ating buhay.

Kung marami man sa atin ang nangangarap na umasenso ang kanilang mga buhay, marami rin naman sa mga kababaihan ang nangangarap na maging isang ganap na ina.

Kaya naman sa biyayang dumating sa buhay ng aktres at first time mom na si Assunta De Rossi-Le Desma, ang pagdating ni Baby Fiore ang isa sa pinakamagandang nangyari sa kanyang buhay bilang isang ina.

Mapa litrato man o bidyo, ay tila hindi maikakaila ang pagiging hands-on mom ni Assunta kay Baby Fiore, lalo na ang pagiging proud mommy nito sa bawat achievement na nagagawa ng kanyang anak.

Tunay ngang hindi nasusukat sa kahit na anong halaga at materyal na bagay ang pagmamahal ng isang ina, dahil para nga kay Assunta ang masilayan ang bawat ngiti ng kanyang anak ang nakakapagbibigay ng kasiyahan sa kanyang buhay.

Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na madalas ngang magbahagi ang celebrity mom ng mga cute na litrato ni Baby Fiore, na kung saan ang ilan sa mga ito ay ang masasayang bonding moments nila mag-ina.



Tulad na lamang noong nakaraang pagdiriwang ng araw ng mga puso, ay makikita na ang mag-ina ay nagtwinny sa kanilang mga naging kasuotan.

Mayroon din namang ibinahaging litrato si Assunta na kung saan sila ay masayang nagbakasyon sa beach, makalipas ang ilang taong pananatili sa loob ng bahay dahil sa pag-i!ngat sa C0vid.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sammy Whammy (@assuntaledesma)


At nito lamang ika-5 ng Mayo ay isang video naman ang kanyang ibinahagi sa Instagram, na kung saan ay kanyang ipinasilip ang kanilang masayang joyride sa People’s Park sa San Carlos City, Negros Occidental.