Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, masayang ibinahagi ang pagbubukas ng kanilang bagong tayong negosyo sa Siargao

Makalipas ang ilang taong paghihintay at pagpaplano ay sa wakas naisakatuparan na ng engaged couple na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, ang kanilang pangarap na makapagpatayo ng sariling surf school-shop at snack bar sa Siargao.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Ang magandang balitang ito ay inanunsyo ni Andi sa kanyang vlog nito lamang Miyerkules, ika-4 ng Mayo.

Sa video ay masayang ipinakita ni Andi ang kanilang newly opened na Kanaway Snack Bar business, pati na rin ang katabi nitong Kanaway Surf Shop na syang hina-handle ngayon ng kanyang fiancé na si Philmar.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Ayon kay Andi, “Our snack bar is open every day except Tuesdays, from 8 a.m. to sunset.”

Magmula pa lamang sa bagong tayo na business ng magkasintahan ay kapansin-pansin na ang mala island vibes ng kanilang magkatabing shops na talaga namang swak na swak sa mga turistang magbabakasyon sa kanilang isla.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Pagdating naman sa snack bar shop ni Andi, ay kanya ring inilahad na magsisilbing eco-friendly ang kanilang packaging at plating para sa kanilang mga ibinebentang sandwiches.

Aniya, “We’re making our packaging, plating for our panini [sandwiches].”




Credit: Happy Islanders Youtube Channel

“Because I want to use the opportunity of having a snack bar to promote, using only fully biodegradable containers for our takeout food and drinks.” dagdag pa ng aktres.

Pagdating naman sa surf shop ni Philmar ay ipinasilip rin ni Andi ang ilan sa mga produktong kanilang ibinebenta mula dito, tulad na lamang ang mga beach wear, beach hats at marami pang iba.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


Inilahad din ni Andi kung paano ang pagbo-book ng surfing lessons para sa mga turistang gusto matuto mag surfing at ang pagre-rent ng kanilang mga inihandang surfing boards.

At sa pagbubukas ng kanilang bagong negosyo ay isinama nina Philmar at Andi ang kanilang mga kaibigan at kapamilya sa isla upang ipagdiwang ang espesyal na araw na ito.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Matapos ang ceremony at maipa-bless ang kanilang shops ay naghanda naman ng masayang salu-salo ang magkasintahan, upang makasama ang kanilang mga kaibigan bilang pagsisimula ng kanilang bagong tayong negosyo sa Siargao.

“This life was and is never just always bathed in sunshine, but I am grateful things happened the way they all did because I wouldn’t have it any other way. I am more than happy to be sharing this with them all.”