Kylie Padilla, pinatunayan ang pagiging strong independent woman sa mga anak na sina Alas at Axl sa kabila ng pagiging single mom

Ang mahusay na aktres at celebrity mom na si Kylie Padilla ay isa lang naman sa mga hinahangaan ng lahat, sa kanyang pagpapamalas ng natatanging husay at galing sa pagganap sa mga teleserye at pelikula sa telebisyon.


Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

Mas lalo pa ngang hinangaan si Kylie ng kanyang gampanan ang pagiging isang Reyna Amihan, noong taong 2016 ng magkaroon ng remake ang telefantaseryeng Encantadia.

Ngunit, hindi lamang sa pelikula at teleserye makikita ang pagiging mahusay at mabuting aktres ni Kylie, kundi maging sa tunay na buhay rin ay kanyang pinatunayan na ang papel na kanyang ginagampanan ay higit pa sa isang pagiging artista.


Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

At ito nga ay ang pagiging matatag at matapang ni Kylie sa kabila ng pagiging isang single mom sa kanyang mga anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Tunay ngang hindi madali ang mamuhay at magpalaki ng mga anak nang mag-isa. Ang mamuhay bilang isang single mom ay hindi madali dahil doble ang responsibilidad na nakaatang sa kanilang balikat bilang isang ina at ama sa kanilang mga anak.


Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

Doble man ang nakapatong na responsibilidad, ay pinatunayan pa rin ni Kylie na kahit siya ay single mom, ang kanyang dalawang anak ang nagbibigay pa rin sa kanya ng lakas at kasiyahan upang mas lalong maging matatag at magpatuloy sa kanilang buhay na magkakasama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kylie 🌙 (@kylienicolepadilla)


Ang bagay nga na ito ay mas lalo pang pinatunayan ni Kylie, ng kanyang ibahagi sa Instagram ang isang litrato at video na kasama sina Alas at Axl sa isang mall.


Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

Kapansin-pansin na buhat ni Kylie sa kanyang kanang bisig ang napaka-cute na si Axl at sa kaliwa naman ay kanyang pag-alalay sa isa pa nyang gwapong anak na si Alas.

Dahil dito ay marami nga sa mga netizens ang naantig sa ipinakitang katatagan at pagmamahal ng aktres para sa kanyang mga anak, na nagbigay ng inspirasyon sa karamihan.




Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

Ilan sa kanila ay hinangaan ang katapangan ni Kylie na magpatuloy pa rin sa buhay, sa kabila ng pagtaguyod sa responsibildad ng pagiging isang single mom.

“Beautiful and strong woman. Truly they can’t put a good woman down. ❤️”


Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

“Super mom talaga to c kylie 👏”.

“Bonding time naman with the kids 🔥 namiss ni mama Kylie Yan 😍😍 stay safe and take care ate Kai 😘”.