Aktres at Dating Child Star na si Miles Ocampo, agaw pansin ang nakabibighaning kagandahan sa kanyang pagdiriwang ng ika-25 na taong kaarawan

Sa napakabilis na paglipas ng panahon ay hindi rin natin namamalayan na kasing bilis rin nito ang paglaki ng mga dating child star na ating sinusuportahan.


Credit: @milesocampo on Instagram

Mapa telebisyon man o pelikula ang kanilang mabilis na paglaki ay senyales lamang na sila ay talagang mga ganap ng dalaga at binata ngayon.

Tunay ngang maging ang pagpapakita ng kanilang natatanging husay at talento, sa tinatahak na larangan ngayon sa industriya ng showbiz ay isa lang rin naman sa kahanga-hanga nilang katangian.


Credit: @milesocampo on Instagram

Kung dati rati ay sobra tayong naaliw sa kanilang taglay na kabibohan at kakyutan, tila ngayon nga ay hahanga naman tayo sa kanilang natatanging kagandahan.

Marami na nga ang nakapansin sa lalong pag-usbong ng kagandahan ng dating child star at aktres na si Miles Ocampo.


Credit: @milesocampo on Instagram

Ito nga ay matapos ibahagi ni Miles ang kanyang mga litrato sa Instagram na kung saan ay hindi lamang mga netizens ang nakapansin kundi pati kapwa celebrity ay pinuri rin ang kanyang kagandahan.

At sa pagdiriwang ng kaarawan ni Miles, ay muling pinatunayan ng aktres ang kanyang mala glowing look na talaga namang nagpadepina sa kanyang natatanging ganda.


Credit: @milesocampo on Instagram

Nito lamang ika-1 ng Mayo na siyang araw rin ng kanyang kaarawan ay nagbahagi si Miles ng kanyang mga litrato, suot-suot ang isang sleeveless silver dress habang masayang ipinapakita ang kanyang magagandang anggulo at pose mula sa nasabing litrato.

Tila kapansin-pansin ang pagiging blooming ng aktres lalo pa’t kanyang ipinagiriwang ang kanyang ika-25 na taong kaarawan.




Credit: @milesocampo on Instagram

At bilang selebrasyon sa espesyal na araw na ito, ay makikita sa IG story ni Miles ang masasayang kaganapan sa kanyang birthday kasama ang mga taong tunay na nagmamahal sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miles Ocampo (@milesocampo)


Mapapansin rin na tila isang sorpresang birthday party ang natanggap ng aktres sa kanyang kaarawan, na kung saan ay makikita ang pagiging emosyonal nito habang hawak-hawak ang kanyang birthday cake.


Credit: @milesocampo on Instagram

Samu’t saring komento at pagbati nga ang kanyang natanggap magmula sa kanyang mga kaibigan, kapamilya at mga katrabaho sa showbiz.

Ilan nga sa mga nagbigay ng kanilang pagbati at mensahe para kay Miles ay ang kanyang dalawang matalik na kaibigan na sina Sharlene San Pedro at Ritz Azul.


Mensahe ni Sharlene, “Hi beshie, happy happy birthday. I love you and never ever ka magiging abala sa akin. Always here for you.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ritz Alzul-Guy (@ritzazul)


Pagbati at mensahe naman ni Ritz para sa kaibigan, “From tawanan to iyakan, maaasahan ka at ako’y maaasahan mo. Hahaha! I am glad na meron akong babysis. Hinding hindi ko makakalimutan yung lagi tayong napapagalitan sa public tungkol sa social distancing bilang ang clingy nating parehas. I miss you, my babysis! Masayang masaya ako for you sa mga blessings na natatanggap mo and sobrang proud ako sa’yo.”